Chapter 8: Does It Hurt?

3.8K 67 10
                                    

 A/N:

Sorry po kung natagalan! Busy po kasi sa school eh. College freshie na po kasi ako, kaya maraming ginagawang kaekekan.

From now on, ang pinakamasipag magcomment, dun ako magdededic. Tutal malapit na tayo mag 1k reads :)))

===================================================================

Kath's POV

"Ilang taon ka na miss?" tanong sakin ni Lester

"18 po." sagot ko

"Ah, so nag-aaral ka?" Seth

"Ah, opo."

"Saan?" tanong naman nung...Katsumi ba yun?

"Sa University of---"

"Guys, job interview ba to? Naaawkward ung girlfriend ko sa inyo eh." biglang singit ni Daniel at umakbay sakin. Shemay.

"Eto naman, gusto lang naman siya naming makilala kuya eh." JC

"Kuya?" tama ba narinig ko?

"Ah, oo babe. Half brother ko si JC." sagot ni Dj

Nga naman. Bat di ko napansin sa magkahawig sila?

"Miss Kath, pwede ba tayong mag-usap?" sabi ni Lorie, date ni JC, with matching smile.

"A-ah. Sure." sagot ko at pumunta kami sa ladie's restroom.

Sandaling natahimik si Lorie nang makarating kami sa restroom. 

"Ikaw si Kathryn Bernardo, right?" Lorie.

"O-oo. Why?" Ako

"Akala ko ikakasal ka na?"

Nagulat ako sa tinanong niya sakin. Paano niya nalaman? Isa kaya ito sa mga kabit ni Albie?

"How did you know?"

"Miss Kath, ako ang nagdesign ng wedding dress mo. What happened?" sagot niya

Lorie? Loribel Santillian! Siya nga. Gosh, I'm dead.

"Oh. Si ikaw si Loribel? Sorry, pero di natuloy ang kasal."

"WHAT?! Bakit? Sayang naman." she said, then nagpout.

"Demonyo kasi ung groom eh. Anyway, sorry talaga ha. Di ko nasuot ng maayos ung gown na ginawa mo." Ako

"Maayos? San na ung gown? Gosh, that was one of my favorites."

"Ah...eh...pinunit ko."

Nanlaki naman ang mata ni Lorie sa narinig.

"Why?!"

"Long story. Sorry talaga ha."

"It's okay. Dont worry, walang makakaalam." sabi niya then lumabas kami ng restroom.

Pagbalik namin sa table, agad kaming inulan ng tanong ng mga lalaki.

"Bat antagal nyo?"

"Ano ginawa nyo sa banyo?"

"Nagsabunutan ba kayo?"

"Chill, guys." sabi ni Lorie. "Girl talk."

Napahaba pa ang kwentuhan. Puro tawanan lang ang ginagawa namin. Mabuti nalang at restau pala ni Katsumi tong kinainan namin, kaya okay lang mag-ingay. Puro tungkol kay Dj ang topic. Pagkabata ni Dj, first kiss ni Dj, at lahat ng pwedeng ibuko kay Dj. Grabe ang friendship ng mga to.

Nalaman ko rin ang tungkol sa banda nila. Isang banda pala sila nung highschool, ang Parking Five, pero nadisband ito nung tumungtong sila ng kolehiyo.

The Runaway Bride Meets the Arrogant Guy (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon