Secret Crush

124 5 12
                                    

Abby’s POV

“Hmm, Abby Marionette Suarez, mali-mali na naman iyang ginawa mong code, eh.” Pinilit ni Abby na huwag lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon ni Rian. Dahil nararamdamn niya ang init  ng hininga nito malapit sa tenga niya, sigurado siyang kapag lumingon siya ay magkakalapit ng husto ang kanilang mga mukha.

Ayaw niya, baka kung ano pa ang magawa niya dito. Masisira ang “Dalagang Pilipina” image niya sa school. Pero wala atang balak umalis ito dahil umupo pa talaga si Rian sa tabi niya. Kinuha nito ang papel kung saan niya sinusulat ang codes para sa take-home quiz nila sa Programming.

“Ganito lang yan, eh.” Umakbay pa ito sa kanya pagkatapos ay kinuha nito ang ballpen niya at isa-isang inayos ang mga codes niya.

“Hoy Rian!” saway niya rito dahil naiilang siya na nakaakbay ito. “Tanggalin mo iyang braso mo, kabayan.” Pagkatapos ay siya na ang nag-alis ng braso nitong nakaakbay sa kanya.

Ngunti wala ring nangyari dahil ibinalik lamang nito ang pagkaakbay sa kanya. “Ano ka ba naman, Abby. Ganito talaga akong magturo. Kailangan nakaakbay para makapagconcentrate ng maayos.”

“Ah ganun.” Hinila niya ang kuwelyo nito. Napalapit tuloy ang mukha nito sa kanya. Nakadagdag pa sa pagkakailang niya dahil titig na titig ito sa kanya.

“You have the prettiest eyes I’ve ever seen Abby Marionette Suarez. It makes me want to stare at you all day.”

“Huy, nakadrugs ka na ba?”

“Delivery po, for Ms. Abby Suarez.” Humiwalay siya dito nang makita ang kakarating lang na delivery boy sa labas ng classroom nila. May dala itong isang bouquet ng red roses. Tinukso siya ng mga kaklase nila.

“Ahm, ako po si Abby Suarez.” Itinaas niya ang kanyang kamay. Iaabot na sana ng delivery boy ang roses ngunit hinarang ito ni Rian.

“Hep. Bossing, ako po ang class pres kaya lahat ng regalo ay dadaan muna sa akin,” litanya nito.

“Uy, Class Pres, umaabuso ka na, ha. Kailan pa naging parte ng doktrina mo ang ganyan?” reklamo ni Vanessa, isa sa mga kaklase nila.

“Aba’t nagrereklamo pa kayo. Gusto niyo bang makarating sa teachers ang lahat ng kagaguhang ipinagkakalat ninyo dito sa classroom?”

Saglit na natahimik ang classroom hanggang sa magsalita si Andrew, isa sa mga kabarkada ni Rian. “Guys, sabi ko nga diba? Tama at makatarungan ang lahat ng sasabihin at gagawin ni President Rian Creo Montejo. Maliwanag ba? Oh, Class Pres, peace tayo ha?”

“Oo nga naman,” singit ni Julian. “Kaya, kung ako sa inyo, wag kayong magbibigay ng regalo kay Abby na hindi dadaan kay Class Pres. Peace rin tayo, Class Pres, ha?”

“Yan, tama yan, mga kabayan. Oh, halika dito,” tawag nito sa delivery boy. “Makilatis nga itong regalong dala mo.” Saglit na binasa nito ang nakasulat sa card na kasama ng mga bulaklak. Pagkatapos ay kunot-noong ipinasa nito iyon sa kanya. “I don’t like that guy,” sabi pa nito bago walang imik na bumalik sa upuan nito sa dulong bahagi ng classroom.

Roses are red.

Violets are blue.

Today is a lovely day,

Thanks to you.

 

-Enzo Adrian Serrano

Napangiwi siya sa kakornihan ng  nakasulat sa card. Kung hindi lang siguro nakakadiring tingnan ay baka nagsuka na siya. Isa si Enzo sa mga gwapo ngunit may topak na manliligaw niya. Sa ibang university ito nag-aaral ngunit walang palya ang pagpapapadala nito ng regalo.

Secret CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon