[34] X10's Private Room

912K 21.6K 3.8K
                                    

CHAPTER 34: X10’S PRIVATE ROOM

 

KAYE ANNE’S POV

“WHAT?”

I received a text message from Chloe saying that Gail is unconscious right now. Sumalpok daw kasi ang soccer ball sa noo niya. Shocks! Ano bang nangyayari ngayon kay Gail. Kahapon nag-ditch siya ng klase niya, ngayon naman unconscious dahil sa bola. Tingin niyo, do I really have to tell it to her mom?! Aissh.. naguguluhan na ako. >.<

Andito nga pala ako ngayon sa cafeteria kasama ko yung tatlo kong classmates. May group work kasi kami ngayon that’s why we decided to gather here.

“Anong problema, Kaye Anne?” tanong ng group leader namin. Napatingin silang tatlo sa akin. Bigla kasi akong nagsalita ng wala naman sa pinag-uusapan.

“Matagal pa ba itong pag-uusapan natin?”

“No, actually patapos na. Bakit?”

“Kasi may emergency lang. Kailangan kong puntahan yung pinsan ko, nawalan kasi ng malay.” I explained to them. Sana paalisin na ako.

“Ahh, yung pinsan mong si Gail?”

Ow diba? Sikat na si Gail. Kilala na siya sa buong E.H.U.

“Pinsan mo pala yun si Gail? Yung nanira sa X10?” sabi nung isa kong groupmate.

Sumimangot ako. Tsk sikat nga si Gail, pangit naman ang pagkakakilala sa kanya.

“Hindi niya sinira ang X10. May I go now? Kailangan ko na talagang umalis eh. Tutal alam ko na ang gagawin ko.”

Nagkatinginan silang tatlo. “Ahh sige, Kaye Anne. Pasensiya na sa sinabi ko. Ahmm gusto mo, samahan ka namin sa clinic?”

“Oo nga. Gusto ko pati makilala si Gail.”

“Ahh. Thanks nalang. Pero ‘di daw siya sa clinic dinala. Sabi sa private room daw ng X10” I said.

Napansin ko naman yung pagkabigla nila. Anong meron? Bakit shock ang facial expression nila?

“Kaye Anne, sige ikaw nalang pala. He-he-he. Go! Punta ka na dun.”

Ang weird ah? Bakit parang takot sila. Tsk >.<

Lumabas na ako ng cafeteria. Hahanapin ko pa yung private room ng X10 na yun. Magtatanong tanong nalang ako. Ang galing lang ha? May rivate room sila dito. VIP lang?! May kakaiba talaga sa X10 na yan eh. 

“Kaye Anne!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Anubeyen! Kung kelan nagmamadali naman ako, ang daming istorbo. Si Nathan lang pala. Oh, geez! May deal nga pala kami!!

Hindi ko na namalayan na nakalapit nap ala siya sa akin.

“Nathan---“

“Ano ba yang buhok mo, ang gulo.” Inayos niya yung buhok ko, particularly the bangs. Naman eh! Ganun talaga, nagmamadali ako, wala ng time time diyan sa pag-aayos ng buhok. “Di mo gayahin yung pinsan mo.”

~___~

Oo na! Siya na ang apple of the eye mo! Pati adam’s apple, siya na! Teka, bakit ba ako affected?

Tinaboy ko ang kamay niya. “Wag mo nga galawin buhok ko. That’s my trademark, messy hair. Cool yan eh.” Flinip ko pa yung hair ko. “Bakit na naman ba, Nathan? Pakibilisan, nagmamadali ako.”

Kunwari di ko alam kung anong pakay niya -__-

“Sus, kunwari ka pa. Ano na? Tutulungan mo ba ako o hindi?” sabi niya na parang naiinip. Tsk kung di mo lang ako blinackmail, I will never evar help you!

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon