TD - 48

64.4K 1.5K 903
                                    

CHAPTER 48

ALEX’S POV

Naiirita ako.

Nakakairita.

Nakakairita talaga eh.

Alam mo ‘yung sinusubukan este pinipilit ko naman talaga maging nice sa kaniya pero kumukulo talaga ang dugo ko ‘pag nakikita ko silang sweet.

Hindi sila dapat sweet eh lalo na’t alam kong may gusto sa kaniya si Casimir ah punyeta dapat sa akin lang siya ganiyan eh.

“Mata mo.” Pang-aasar ni Desiree.

Kanina pa kasi ako naaasar at wala akong ibang nagagawa kundi ang umirap. Naghahanda kami para sa birthday ni Geoff. Ang alam niya ay magkikita-kita kami rito para ilibre niya kami pero ang totoo niyan isu-surprise siya ni Belle, alam naman nating puno siya ng kaartehan sa katawan, kaya andito kami sa restaurant ng pamilya nila Jericho. Na saang bansa nanaman kaya ang mokong na ‘yon? Sabi nila Weng nasa ibang bansa nanaman siya. Tss, baka naghahanap din ng blonde. Bwisit. I am now starting to hate blondes.

Ina-ayos namin ang mga picture ni Geoff na iha-hang namin. At kanina pa ‘tong si Casimir at Jhaztine na naghaharutan.

“Geoff looks like an idiot here.” Tawa ni Casimir sa isang picture na tinitignan niya.

“Really? You actually have the same picture as that. Wait,” nilabas ni Jhaztine ang cellphone niya at nag-agawan sila ni Casimir. Tumayo siya at naghabulan pa sila sa loob, ayos lang ‘yan kasi binayaran naman ni Belle ang buong araw ng restaurant eh, ni-reserve talaga para kay Geoff pero hindi no’n maaalis ang fact na nabi-bwisit ako.

Magre-reklamo na sana ako dahil sa kanilang dalawa pero naunahan ako ni Belle. “I thought you guys are going to help.” She rolled her eyes.

“We are.” Sagot naman ni Casimir na naka-akbay na kay Jhaztine.

“Really? Akala ko kasi playground niyo ‘to eh.”

“Sorry Belle.” Sabi ni Jhaztine.

Tumayo si Belle. “Don’t apologize, I am not asking for it.” At naglakad papunta sa counter para humingi ng tubig.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon