Chapter 48: The First Cut Is The Deepest

103K 2K 317
                                    

Chapter 48: The First Cut Is The Deepest

Ch 47 ang may pinakamaraming comment so far! I'm very grateful na vocal kayo sa opinions/thoughts nyo about sa flow ng story. Go lang sa pagcomment! Binabasa ko yang lahat XD


As always, comment and vote if you liked the chapter! 

-

Akala ni Barbs sa TV at movies lang nangyayari ang mga yon. Madalas nyang napapanood yun sa Grey's Anatomy at ER dati, wangwang at nagmamadaling paglabas ng biktima sa ambulansya, yung hysteria sa emergency room.. stretcher.. IVs.. at kung anu-ano pa. She never expected this to happen, lalo na sa birthday pa nya.

Kay Janine nya nalaman ang aksidente nina Chester. Kakatapos lang sabihin ni Cy--

Heck. Ayaw na nyang matandaan yon.

Lumabas na lang sila agad ni Janine ng hall, at nakasalubong nila si Ms. Medina. Nag-alala naman ang adviser at nag-offer itong ihatid sila sa Asian Hospital.

Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya that time.. mas lalo na ngayon. Masakit, oo. Pero anong dahilan? Dahil sa sinabi ni Cyrus? Fuck, ba't ba sya maapektuhan nun, ha? She doesn't care about him yet.. something inside her hurts. O baka naman kaya dahil kay Chester? Hindi nya alam. Wala na syang alam. Ayaw na nyang alamin pa.

"Unconscious pa po sya," yan ang sabi sa kanila ng attending doctor ni Chester. "Tumama ang ulo nya sa bintana, buti na lang hindi nagkasugat."


Gusto nang himatayin ni Janine sa narinig nya. 

She partly blames herself for this accident. Kilala nya si Chester, baka siguro pinagmadali nya ang daddy nito na magdrive para makahabol sa Halloween Ball. The mere thought of that makes her sick and scared. Baka dahil don.. may mangyaring masama sa family ni Chester. Dahil sa kanya.


"Janine, Barbs," pag-aalo sa kanila ni Ms. Medina. "Let's take a seat first."


Nanghina ang mga tuhod nila nang umupo sila sa may waiting area ng emergency room. Hindi na inalintana ni Janine ang suot nyang Tinkerbell costume, nandun lang sya, nakaupo. Hopeless.


"Nine.. don't cry," Barbs said sternly. Sa lahat kasi ng ayaw nya ay yung iyakin pag may kritikal na kondisyon na ganito. Ayaw na ayaw nya yun.

Nag-aalala naman ang adviser nila sa dalawa. "Hey.. I'm grabbing something to eat. May gusto ba kayo?" umiling ang dalawa. "Sige.. dyan lang kayo. I'll be right back."

Ang ingay sa emergency room. Apparently hindi lang sina Chester ang kritikal ang kondisyon. May ilan din na sinugod sa ER at kasalukuyang ginagamot. Todo iyak si Janine dahil sa mga nakikita nya. Si Barbs? Pokerfaced.


"JANINE!!! BARBS!!!"


Nagitla sila sa sigaw ni Rocky. Nakapagpalit na ito ng normal na damit. Tumakbo agad sya sa dalawang kaibigan.


"Oh my god what happened?" she frantically asked them. Kahit umiiyak binigyan pa rin ni Janine ng rundown ang bestfriend nya, na pagkatapos ay umiyak na rin sa sobrang gulat.

Naabutan ni Ms. Medina na ganun ang tatlo. "Nasan si Vivien?" tanong nya kay Rocky habang nagdidistribute ito ng tubig sa kanila.

"H-hindi.. ko po sya nakita sa school, Miss. Hinatid lang po ako ni Sir Lean dito.."

"Nasan si Lean?"

"He already left. May kukunin pa kasi sya sa school then sasaglit sya rito mamaya."

Tahimik na lang silang naghintay sa napakaingay na kwartong 'yon. Wala pa ring balita sa kalagayan nina Chester.

30 minutes later nang may lumapit sa kanilang nurse, nalipat na raw sina Chester sa isang room. Dali-dali naman nilang pinuntahan ito.


"Tita Lou!" halos sabay na sigaw nina Janine nang makita ang mommy ni Chester. May bandage ito sa may noo. Tumakbo ang tatlong babae papalapit sa kanya.

"Titaaaa!!!" todo iyak si Janine nang yakapin nya ito. "I-i'm sorry po!!"

Umiiyak na rin ang nanay ni Chester. "Bakit ka nagsosorry, hija? It's not your fault..."

"S-si Chester po kasi.." di na natapos ni Janine ang sinasabi at umiyak na lang.

Si Chester ay unconscious na nakahiga sa kama. Na-knockout lang daw ito dahil sa pagkakatama ng ulo. Ang daddy nito ang napuruhan talaga, na kasalukuyang nasa operating room. May internal injuries ito at may swelling sa utak kaya pansamantalang isinailalim ng mga doktor sa isang chemically-induced coma para maging stable ang condition. Dun sa loob ng kwarto naghintay ang lahat, tahimik pa rin. Nang pumatak ang 1am, nagpasyang umalis si Ms. Medina, at si Lean naman ang magbabantay sa mga bata.

Ilang minuto nang nakaalis si Ms. Medina, ay dumating si Vivien.


"Guys I'm so sorry!" agad nyang niyakap ang mga kabarkada. "I.. should've been here. Sorry, umuwi ako."

"Di ba may flight ka pa bukas?" medyo matigas na sabi ni Barbs. Aalis kasi sina Vivien papuntang Italy kinabukasan, dun sila magbabakasyon para sa sembreak and at the same time 18th birthday gift para sa kanya.


"8 hours pa naman bago ang flight ko," bumaling si Vivien sa mommy ni Chester. "Tita Lou.." The mom managed to give her a meek smile.

Lumipas ulit ang oras at dumating sina Lean at Wes. Sumama agad ang mga mukha nina Rocky at Vivien nang pumasok sa kwarto ang dalawa.

"Good Morning po, Mrs. Sison," lumapit si Lean at nagpakilala sa nanay. Aware sya na masama ang loob sa kanya ni Vivien kahit kinakausap nito si Barbs.

Pasimple namang tumapat si Wes kay Rocky, na nasa tabi ng higaan ni Chester. Yumuko na lang si Rocky para hindi nya makita si Wes. Galit na galit pa rin sya dito.

Makalipas ng 2 hours...


"...Ma?"

Nagising silang lahat don. Kahit mahina lang ang tawag ni Chester ay sapat na yun para magising sila.


"Oh my god Chester!" lumapit agad sila sa higaan, si Lean naman ay tumawag ng nurse.

"Ma..." niyakap agad sya ng mommy nya.

Todo iyak naman ang apat na babae sa nakita nila. Chester's so weak pero okay na yun, at least buhay sya. Napayakap na lang si Janine kay Rocky.

"Anak okay ka lang ba?" marahan na tumango si Chester. "Oh my god thank you!" niyakap ulit sya ng mahigpit ng nanay nya.

Si Barbs ay nandun, nakatayo pero hindi umiiyak. Nakatitig lang sya sa bestfriend nya. Akala nya.. mawawala na rin si Chester. Katulad ni Vicky. The mere thought of her bestfriend dying... hindi na nya kaya. Pero hindi sya iiyak. Hindi.

"Hoy panget," sigaw nya kay Chester na kinagulat ng lahat. "Hayop ka. Tinakot mo kami! Tagal mong gumising ah!" kahit medyo pabalang ang sinabi nya, naramdaman naman ni Chester ang care sa tono ni Barbs, at naiyak na sya.

Si Janine naman maraming gustong sabihin kaso natatakot sya, baka kasi sinisisi sya ni Chester sa nangyari. Nandun lang sya, yakap-yakap si Rocky, umiiyak.

"J-ja?"

Mas lumalakas pa ang pag-iyak ni Janine at lumapit sya kay Chester. "Ohmygod Chester!! Waaaaahhhhh" sinubsob nya ang mukha sa dibdib nito. "Chester.. I'm sorry.."

He gently kissed her hair. "Bakit? I'm safe. You don't have to worry about me." Mas umiyak pa lalo ang babae.

Nagring naman ang phone ni Rocky, tinatawagan na sya ng mommy nya. Lumabas ito saglit para sagutin ang tawag. Nang tapos na ang tawag, nagulat si Rocky nang makitang nasa likuran lang pala nya si Wes.


"Ra--"

Sinampal nya ulit ito. Walang pakialam si Rocky sa dumaan na nurse sa gilid nila.

"I think.. I deserve that one." Hinaplos pa ni Wes ang pisnging namula sa sampal.

"Buti alam mo! Don't you ever try to talk to me. I'm seething with anger right now."

"Teka let me explain!" lalapitan sana nya si Rocky nang pumorma ulit ito na parang mananampal.

"Wesley subukan mo kong lapitan or else sisiguraduhin kong sa morgue ang pupuntahan mo," evident ang galit sa boses ni Rocky.

Wes snapped. "Pano mo malalaman yung side ko kung ganyan ka?"

"Bakit, kelan ka ba nagseryoso? Kelan ka ba nagsabi ng totoo? Sa pagkakatanda ko.. wala eh. Never. Kaya kahit anuman ang sabihin mo sakin ngayon.. hinding-hindi na ako maninwala sa'yo." Iniwan ni Rocky si Wes at pumasok ulit ito sa room.

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon