Previous Page of 10Next Page

Fearless Queen ♔

Dedicated to
BiancaClaryl23
spinner.gif

Am’s Favorite Quote for this Chapter: “Don’t make decisions when you’re angry, and don’t make any promise when you’re happy.” – for Ashlynn Vs. Claire Scene

 

Fearless ♥ 11.2 : Masks Off


Veronica’s P.O.V.

 

Nandito ako ngayon sa Entertainment Company ng kaibigan ko. Siya kasi ang may ari nito kaya nakakapasok ako dito everytime kung gugustuhin ko. Nakaupo ako sa couch habang binabasa ang lyrics na hawak ko at umiinom ng tubig. Nakaka-kalahati na ako ng kanta, medyo madami kasi akong binago e.

 

 

“Miss Veronica, 30 minutes na lang po.” – Manager ng Recording Studio

“Okay, thankyou.” – ako

 

 

Madami kasing nakapila na mag rerecord dito, sikat din kasi ang company na to may mga ilang magagaling na actors/actresses, singers, composers etc. at dahil malakas nga ako sa may ari nito pinapayagan niya akong gamitin ang studio na to kahit hindi ako kabilang sa company niya, pero gusto niya ako sumali.

 

Isinara ko na ang pinto at naghanda na ulit para kumanta. Inaayos ko na yung lyrics ng makita ko ang may ari nitong company na may kasamang isang lalaking pamilyar sakin. Ang harap kasi nitong kwarto na to ay salamin, kita mo yung nasa labas pero di ka kita nung nasa labas.

 

 

*Phone Ringing*

 

“Hello?”

“Hello, kaibigan ka ba ni Ashlynn Meyer?”

“Oo, sino to?”

“Ako si PO1, nasa police station si Ashlynn. Pakipuntahan niyo na lang siya dito para maayos na agad ang kaso.” – biglang bumilis ang tibok ng puso ko, bakit nakulong si Ashie?

“Ahm, okay lang po ba siya? Nasaktan ba siya?” – ako, inayos ko na agad ang gamit ko, wala na ako sa mood para kumanta pa.

“Mas mabuting pumunta na kayo dito.” – Police, I bit my bottom lips which I usually do whenever I am scared, embarrassed or worried.

“Okay, papunta na ako.” – ako, sabay bukas ng pinto

“AWW~” may sumigaw na lalaki pagkabukas ko, patuloy pa rin ako sa pagtakbo sumigaw na lang ako ng “SOOOORRRY!” dahil kailangan ko ng magmadali.

 

 

Bakit kaya nasa police station si Ashie? Hindi kaya bumalik na siya sa dati? Wag naman sana, dahil kung ako ang papipiliin mas gusto ko ang Ashlynn ngayon kesa sa Noon.

 

 

Anica’s P.O.V.

 

“EH SINO BA NAMAN KASI ANG MAY GAWA HA?!” – sigaw ni Jalene, na kanina ay masama ang pakiramdam pero ngayon naman ay super hyper.

“EH SINO NGA BA?!” – sigaw din ni Ethan, jusko ha?! Magkatabi lamang nagsisigawan pa. Nakakasakit ng ulo, masakit pa ang paa ko.

 

 

“EH SINO BA NAMAN KASI ANG BUMUHAT SAKIN NA PARANG SAKO AKO NG BIGAS?!”

“EH SINO BA ANG NANG-IWAN SAKIN AT PINAGBAYAD SA DAMIT NA YUN EH DI LANG NAMAN AKO ANG NAKASIRA?!”

“SABI NG WALA NGA AKONG PERA E! PINAMBILI KO NA NGA NG GAMIT KO!”

“EH ANO NAMANG PAKIALAM KO DUN?! ANG POINT KO INIWAN MO KO!”

“ ANG POINT KO! NAGMUKHA AKONG TANGA NG DAHIL SAYO!”

 

 

Jusko lord, kung pede lang tumalsik ang upuan ng dalawang ito papuntang PEACEVILLE kung saan peace lahat ng tao, gawin niyo na please?

 

 

“THE FUCK?! WHEN WILL YOU TWO SHUT UP?” – sigaw ni kunshuu-spency

 

At ayown, tumahimik naman ang dalawa kasi yung aura ni spency nag black na e. See? My kunshuu is awesome! Maka kunshuu ako parang kami e no? Papunta kami sa dorm nina Chase, kakain kami dun andun pa din naman daw kasi si Esca.

 

Madilim ang daan kaya di ko masyado makita ang dinadaanan namin. Na-amaze ako ng makita naman ang isang mansion, OO mansion dahil sa laki nito at nakakasilaw na mga ilaw.

 

 

“Wow ha? Gandang dorm naman nito, ilan kayong natutulog dito?” – sabi ko habang nilalabas ang ulo ko. Sana walang puno dito, baka mamaya wala na akong ulo. HAHAHA!

Previous Page of 10Next Page

Comments & Reviews (103)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Jiyeon (T-ara)as Chesca Chavez (Uno)
Kim Jaejoong as Chase Dela Vega
Suzy (Miss A)as Hanna Nica Browne (Dos)
Gwak Min Jungas Spencer de Roxas
Dara (2ne1)as Jane Arlene Alvarez (Tres)
G-Dragon (Bigbang)as Ethan Fuentes
Dianna Agronas Ashlynn Meyer (Fourth)
Alex Pettyferas Jake Craig
Taylor Swiftas Veronica Wolfe (Fifth)
Jesse McCartneyas Matt Greenberg
Yoona as Claire Perrin (sixth)
Taeyang (Bigbang)as Heath Kevin Cross

Recommended

Rynoa's MedleyI Love YoudysFUNctionaLA SECOND CHANCE (on-going)