Mapanget ang mukha ng nilalang na iyon. kwadrado ang muka nito. Para itong isang mukang na deform na di mo malaman. Ang ilong nito ay matangos na medyo sarat basta magulo, Ang tenga nito ay patulis ang dulo. Samantalang ang mga mata naman nito ay medyo maliit na kulay itim ang buong eyeball.
Siya pala ang naamoy ko pag pasok ko ng bahay. Sabi ko na nga ba eh. May kakaiba.
Nakalambitin parin si Benedict sa itaas ng kisame. Para tuloy siyang spider man. Pero ultimo siya eh hindi niya gusto ang role niya sa araw na ito.
Alam ko na malakas ang bampirang ito. Halata naman kasi sa malaki nitong katawan na parang sanay sa anumang bakbakan. Pero pano ko kaya maililigtas si Benedict mula sa taas.
Nakatinign lang ako kay Benedict. Habang nagiisip ng paraan para makatakas siya roon. Nang walang anu anoy biglang nagsalita ang bampirang iyon.
"Sino sa inyo si Patrick?"
-------√v^√v^√v^ Darkness no.06: Bite and Blood √v^√v^√v^-------
Nagkatinignan kami ni Benedict na kasalukuyan ay nakasabit parin sa may kisame. Saka pano nalaman ng bampirang ito ay information ng pangalan ko? Nakakapag taka.
"Sino sa inyo si Patrick!!!" Sigaw nito.
Napalunok ako. Alam ko na kasi ang mangyayari pag umamin ako. Siguradong tepok ang lingkod niyo. Tila walang nagiimikan sa aming dalawa ni Benedict. Nagpapakiramdaman kaming dalawa.
"Ako ako si Patrick!" Walang katakot takot na pag amin ni Benedict.
Syempre nagulat ako. Sa isip is ko eh ano nanaman kayang pinag sasabi nito. Talaga nga naman ooh! Talagang Pinangatawanan na ang pagiging super hero.
"Ikaw pala ahhhh!" wika ng bampirang yon. Unti unting lumapit ang naturang bampira kay Benedict. Mula sa itaas ay binaba niya ito. Pinwesto niya ito sa harapan ko at handang kakagatin. Binuka ng bampirang yon ang kanyang malaking bibig at inilabas ang madilaw dilaw na pangil. Tinapat niya ito sa leeg ni Benedict at handa ng kagatin ng bigla akong nakonsensya.
"Teka teka!!! Ako si Patrick!" Wika ko.
Mula sa pagpikit ng bampira ay bigla itong dumilat. "Ako ba eh pinagloloko niyo?" Wika nito sa nakakatakot na boses.
"Hindi ako talaga!" Wika ko.
"Wag kang makinig sa kayan ako talaga si Patrick!!!" Sigaw naman ni Benedict.
Napaka gago talaga nitong kaibigan ko ooo! Sarap pakagat sa bampira!!! Ka bwisit!
"Benedict ano bang pinag sasabi mo!" Wika ni Benedict na nakatingin na sa akin!
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists