Telephone Line (One shot)

246 3 0
                                    

Haaay! Gabi nanaman at wala  akong kasama dito sa bahay. Nasa Davao kasi yung asawa ko. Tapos yung dalawa ko namang anak, nasa Lola Cleof nila. Btw, ako nga pala si Marichel Zulueta. Matutulog na sana ako nang biglang .........

*Sana maulit muli, ang mga oras natin at nakaraan.

Bakit nagka-ganito* Nagriring yung Phone ko. Kinuha ko yun at tinignan ko yung natawag.

“Frank? Ano naman kayang meron at tinatawagan ako ng mokong?“ at sinagot ko na yung tawag.

“Hello?“

“Ayun! Akala ko, tulog ka na e.“ Frank. He said then he chuckled

“Matutulog na sana ako kaso tumawag ka e.“ Sabi ko sa kanya.

“Ay, sorry sandali lang. wag mo munang ibababa.“ Frank

“Sige“ Sagot ko naman. Medyo maingay dun sa lugar kung nasan sya. “Sige pare umpisahan na natin.“ narinig kong sabi ni Frank. Ano nanaman kayang pakulo ang gagawin nito?

“Hanggang sa dulo ng Walang Hanggan

Hanggang matapos ang kailan pa man, Ikaw ang syang mamahalin

at lagi nang sasambahin. Manalig kang ‘di ka na luluha giliw. At kung sadyang sya lang ang ‘yong mahal. Asahan mong ako‘y ‘di hahadlang

habang ikaw ay maligaya ako‘y maghihintay Parang kilala ko yung boses ng nakanta. Parang si... si.... si... Tama, si Basil Valdez. Pinapakinggan ko lang yung kanta. May naaalala ako. Mga magagandang bagay na hindi na mauulit pa.

“Marie, nandyan ka pa ba?“ Biglang sabi nya habang naririnig ko pa rin yung kanta. Marie ang tawag nya sakin. Minsan Rachel din.

“Oo, pinapakinggan ko yung music. Nangugulo ka eh.Haha!“ I said the I laugh

“Sge na pakinggan mo lang.“ Sagot ni Frank. At nagpatuloy ang pagkanta.

Maging hanggang sa dulo ng.... Walang Hanggan....“ Natapos na yung kanta at narinig kong nagpalakpakan yung mga tao.

“Nagustuhan mo ba?“ Tanong sakin ni Frank.

“Oo naman favorite ko yan e. Thank you!“ Sabi ko naman sa kanya na medyo malambing ang boses.

“Favorite mo lang?“ Sabi nya naman then he chuckled.

“Ay, sorry. Hahaha! Edi favorite natin. ‘To naman, nagtampo agad.“

“Sige na Marie Rachel. Matulog ka na at baka sabihin ng asawa mo, pinuyat kita.“ Sabi nya tapos ngumisi.

“Wala naman yung asawa ko e. Ako lang mag-isa. Sige na Goodnight Richard Frank. Thank you for the call.“

“Sige na Marie Rachel. Good night din. Sweet dreams! Thank you din.“ Frank

“Sige na. Ibaba mo na.“ Sabi ko na medyo inaantok.

“Hindi, ikaw na mag patay ng line.“ Sagot nya. Tsk. Ang kulit talaga neto -_-

“Sige. Bye, ako na mag eend.“ Sbi ko tapos i-eend ko na sana kaso

“Hindi, joke. Ako na magpapatay hahaha“ Sabi nya. Ang kulit talaga nito.

“Sige patayin mo na. Hahaha!“ Sagot ko naman.

“Sige, ikaw nalang pala. Hahaha!“ Sabi ni Frank. Ang kulit talaga!

“Haaay nako Fraaank! Ang kulit mo parin! Sige na. Babye ba talaga.“ Sabi na kunwari naiinis. Hahaha!

“Sige bye. I miss you Marie Rachel.“ Sabi nya. Ang kulit talaga!

“Sige na eto na talaga. Babye Richard Frank! I miss you too. Okay na ba? Good night!“ Then I ended the call.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Telephone Line (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon