Previous Page of 3Next Page

If You're Not The One (JuliElmo) [slow-update] Ch. 1-6

Dedicated to
CecilGrecia
spinner.gif

 

 

Sam's POV




Napa-aga ata ako ng punta...

 

 

Pag tapat ng kotse ko sa bahay nila Julie, pinagbuksan na ako ng gate ni Manang Lyn. Pinasok ko yung kotse at pinarada lang sa may gilid. Ngayon kasi yung usapan namin ni Julie na mag-eenrol. Sa isang Linggo kasi simula na rin ng pasukan namin. 

 

 

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila. Siya lang naman kasi nakatira dun dahil sila Tita and Tito (yung Mom and Dad niya) nasa New York pa. Madalas din kasi nasa mga business trip sila. Si Manang Lyn lang at yung iba pang kasambahay ang kasama ni Julie dito. Buti nga hindi naiinip yung babaeng yun, sabi niya kasi sa akin lagi lang daw siyang nakatambay sa kwarto niya buong bakasyon. 

 

 

"Manang Lyn, si Julie po?" - tanong ko kay manang pagpasok ko sa loob.

 

 

"Hay naku Sir Sam, natutulog pa po si Ma'am Julie e. Nasa kwarto niya pa po.. Kanina ko pa nga po ginigising pero ayaw pang bumangon.." - Manang Lyn

 

 

Matagal na rin dito si Manang Lyn. Kabisado na niya ang lahat ng tungkol kay Julie dahil siya na rin halos ang nagpalaki dito. Parang anak na rin ang turing ni Manang kay Julie at parang pangalawang nanay na rin naman ang turing ni Julie kay Manang.

 

 

"Sige po Manang, ako na lang po yung gigising sa kanya.." - Ako

 

 

"Mabuti pa nga po Sir.." - Manang.

 

 

Umakyat ako sa may kwarto ni Julie. Nasa second floor yun. Kumatok ako sa pinto, wala namang sumasagot. Tulog pa nga ata siya. Sabi ko na nga ba e. Madalas kasi pag may mga lakad kami tulad nito, kung hindi niya makalimutan, late naman siya kaya tuloy madalas ako pa yung sumusundo sa kanya o kaya...katulad nito... ako pa ang gigising sa kanya. But I'm used to it, sa tagal ba naming mag-kaibigan, alam at tanggap ko na ang lahat ng tungkol sa kanya.

 

 

Binuksan ko na yung pinto dahil hindi naman siya sumasagot. Nakita ko nga siya, mahimbing na mahimbing pang natutulog sa kama niya at akap akap ang isang malaking teddy bear. Ako yung nagbigay sa kanya nung teddy bear na yun nung nag debut siya. Nakita kasi namin yun sa isang mall at sabi niya gusto niya daw yun kaya binili ko at niregalo sa kanya.

 

 

Nilapitan ko siya at pinagmasdan...

 

 

Wala pa ring ipinagbago. Maganda pa rin talaga siya. Ang sarap lang pagmasdan ng mukha niya... Hindi ko alam pero napapangiti niya ako palagi. 

 

 

Napatingin ako sa relo ko. Kailangan ko na siyang gisingin...mag-eenrol pa kami.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Julie's POV



Amp. Ginising na ako ni Sam... Ang aga aga pa kaya, kung kailan naman ang sarap pang matulog e. Pero kung sa bagay, sabi ko kasi sa kanya ngayon kami mag-eenrol. Ang bilis naman ng bakasyon, pasukan na ulit namin sa isang linggo. 

 

 

Bumaba na si Sam pagkatapos niya akong gisingin sa masarap kong pagkakatulog. (-___-  ) Nagpunta na rin agad ako sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili. Tapos, bumaba na rin ako agad. Nakita ko si Manang sa may dining table, nag-aayos ng almusal ko, tapos naramdaman kong tumunog yung tiyan ko. Wahhh! Nagugutom na ako...

 

 

"Morning Manang!" - bati ko sa kanya...

 

 

"O kumain ka muna Julie.." - Manang..

 

 

Umupo na ako para mag-almusal..

 

 

"Si Sam po?" - Tanong ko...

 

 

"Ah teka, tatawagin ko sandali.." - Manang.

 

 

Maya-maya pa, sinamahan na ako ni Sam para kumain. Ganito kami lagi, minsan pag may mga lakad kami, siya ang susundo sa akin at dito na rin siya kakain. Sanay na kami sa isa't-isa. Kung tutuusin, gwapo kaya yung bestfriend ko na yun. Ang dami ngang nagkakagusto sa kanya. Ewan ko ba kung bakit wala pa siyang nagiging girlfriend. Yup. Pareho kami niyan. NGSB naman siya. No Girlfriend Since Birth. 

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

IYNTO - Chapter Two

Cast

Elmo Magalonaas Elmo
Julie Anne San Joseas Julie
Sam Concepcionas Sam
Francheska Farras France
Megan Youngas Maggie
Teejay Marquezas Gary

Recommended

The Lost Passion (BB FanFic)Temporary Manager ConfessionsSupposed to be Happy Ending ♥ (Four-shot Story by deartiffany-)ViceRylle - I Only Have Eyes for You ♥