Love Around The House [Book II:ORWMS]

4.4K 57 7
                                    

"Sungit!"

"Daldal!"

"Sungit nga eh!"

"Daldal nga eh!"

"Ano ba!!" 

Napatigil kaming dalawa ni Sungit sa pag-aagawan ng papel. Napatingin kami kay Kyla na nakasimangot na nakatingin samin. Sabay naming binitawan ang papel, nagkatinginan kami ni Sungit. 

"Ano nanaman ba pinagaawayan niyo ha?" Kalmadong tanong ni Kyla samin, tumingin ako ng masama kay Sungit atsaka ko binaling ang atensyon ko kay Kyla.

"Yung ISA kasi diyan, pinipilit na SUNGIT ang i-engrave sa singsing niya, pero dapat Daldal yun kasi ako ang mahal niya!" 

"Bat naman Daldal ang ipapaengrave ko sa singsing ko? Eh akin yung singsing eh! Kaya dapat Sungit ang nakalagay! Hindi Daldal kasi hindi naman ako si Daldal!"

Wala talagang Sweet Bones itong si Sungit! Hindi niya ba nagegets sinasabi ko? Dalawang araw na naming pinagaawayan itong pag-eengrave ng tawagan namin sa singsing, which is hindi niya gets.

Hindi naman siya nagpropose sakin, couple ring ang binabalak naming bilhin, hindi pa engagement ring. Wala rin naman akong balak magsettle down kung ganito kaliit na bagay ay pinagaawayan na namin.

"Edi wag nalang kayong magpaengrave! Bumili nalang kayo ng singsing! Tapos!" At nilisan kami ni Kyla, naging awkward ang atmosphere lalo na't pareho kaming hindi umiimik.

Tatayo na sana ako ng tawagin ako ni Sungit, "Let's talk." At tumayo siya, naglakad kami papunta sa kwarto naming dalawa.

Wala pa kaming sariling bahay, ito pang bahay ni Sungit ang tinitirhan namin, si Mr. Concepcion ay nasa ibang bansa. Binuksan niya ang pinto at siya ang unang pumasok, sumunod naman ako.

"Lagi nalang tayong nag-aaway. Kahit na maliit na bagay, pinagaawayan natin." Kalmadong sabi ni Sungit, simula nung naging kami. Hindi na niya ginagamit ang malamig na boses niya sakin. Dahil minsan namimisunderstood ko iyon.

Yumuko ako upang pigilin ang luha ko, "Anong nangyayari satin, Aishna? Hindi pa tayo magasawa pero grabe tayo mag-away. Nasaan na yung spark ng relasyon natin?"

Simula nung nagka-aminan kami, nung pinabasa niya sakin ang message niya sakin mula sa album niya. Naging sweet kami. As in, sweet.

Pero nung patagal ng patagal, puro awayan na ang nangyayari. Kung minsan hindi pa kami nagkakabati, mag-aaway nanaman kami.

"Siguro... kailangan natin muna mag-cool off." mahinang sabi niya, tumango tango ako. Siguro nga kailangan muna naming magpalamig sa isa't-isa. 

"Yeah. Cool off muna tayo."

Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang mga luha ko. "Pupunta ako sa US para samahan si Mr. Concepcion sa trabaho niya. Wala pa naman akong schedule sa pagbabanda ko." Tumango ako.

Paano ako? Anong gagawin ko sa cool off namin? Magmukmok? "Sige, i'll pack my things. Bukas ko na aasikasuhin flight ko." Tumalikod siya sakin at lumabas ng kwarto.

Nagsimula ng lumabas ang luha ko mula sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Kailangan kong magpahangin. Dapat magpahinga muna kaming dalawa sa relasyon namin. Cool off. 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at lumabas din ng kwarto, nakita ko na may kausap sa phone si Sungit. "Sa bahay muna ako ni Mama." sabi ko saka ngumiti, ngiting mapakla. 

Love Around The House [Book II:ORWMS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon