Previous Page of 4Next Page

Novel: Take Two - Let's Start Again (A Place in Time Sequel)

spinner.gif

[This was originally posted at http://www.jessicaconcha.com/take-two-36.html]

© copyright Thu Sep 15 03:37:03 UTC 2011 - All Rights Reserved

***36***

Oli was overjoyed about the tape. The highlight of my week. Kahit na walang Jiroh pa rin na kumakausap sa akin, at lagi siyang busy sa basketball practices niya to even say hi to me, okay lang. Just to see Oli’s face, wala talagang makakatalo nun.

Tjay and I are back to normal. As usual, she’s still mad about my cousin. It’s not like pwede kong sabihin sa kanya yung totoo. I’ll leave that to Ran. It’s his thing. Isa pa, may reason siya kung bakit niya ginawa yun. Siya na ang bahala doon.

Another morning na naman nung nakita ko na may na-release na naman na Campus Talk article na may picture ni Jiroh at ni Rae sa harapan. As much as I was annoyed by that, hindi ko na hinayaang mag-mess sa utak ko. The only thing that bothered me was, well, paano kung si Rae na uli ang balikan niya. Like if it was too late for me to do something. Ewan ko ba.

Nung isang hapon nga na nag-uwian kami, nakatayo ako doon sa Bulletin Board malapit doon sa classroom namin. Nakalagay lahat ng games ng basketball team doon. They won a couple of games na, siyempre walang pang loss—no surprise there—at may natitira pa silang games sa season.

Bawat game, may picture ng dalawang players sa gilid na nag-contribute the most sa game. Every single one, may picture ni Jiroh. Only the second player changed. Again, no surprise dun. It would be a shocker kung nawala yung picture niya doon.

Nakatitig pa rin ako doon sa chart na nakapost doon nung may bigla na lang matatangkad na umakbay sa akin at pinaligiran ako.

“Ho ho ho… Miss Manager!” sabi nung isa na umakbay sa akin, “Sakto naman. Kung sino ang kailangan namin!”

Napatingin naman ako. Should I be worried? Medyo friendly yata ang basketball team sa akin. The last memory I had with them wasn’t very pleasant.

“Anong tinitignan mo manager?” tanong nung isang lalaki na Billy yata ang pangalan, “Ang galing ‘di ba? So far, undefeated.”

Bakit nagyayabang pa. I don’t know what to say. I’m just happy na panalo yung school.

“Congratulations.” Mahinang sabi ko naman sa kanila, “Galingan niyo sa remaining games ng season.”

Lalakad na sana ako papalayo at para makauwi na rin ako nung tatlong players pa ang humarang sa akin. Ano na namang pakulo ito? Bigla na lang nila akong hinaharang sa hallway. Isa pa, uwian na. It’s not like someone would save me.

“Uuwi na ako padaan naman…” sabi ko doon sa isa na humarang sa akin.

“Huwag ka munang uuwi. Ito naman…” humawak pa sa ulo ko yung isa na para akong bata, “Niyerbyosa ka naman masyado. Sumama ka na lang sa amin na mag-celebrate dahil sa mga panalo namin at nakapasok kami sa second half ng season!”

Napataas naman yung kilay ko. Masaya nga ako na nanalo sila. Pero bakit kailangang sumama pa ako sa celebration nila? Ang weird naman nun? Hindi naman ako close sa kanila?

“Ano namang kinalaman ko doon? Ayaw ko naman maging rude sa inyo… pero hindi naman ako close sa inyo? Naalala niyo naman yung dati ‘di ba?”

Natawa naman sila pare-parehas. Talagang mala-tore silang hinarangan ako at pinilit ako na sumama sa kanila. Imbis na matuwa ako, nagsisisigaw lang ako. Natakot yata sila dahil baka isipin na pinagkakaisahan nila ako.

Tinakpan nung isa yung bibig ko sabay sabing, “Sumama ka na. Kakain lang naman tayo doon sa pizza bar. Yung karaoke place sa 34th. Ililibre ka namin.”

Humirit naman yung isa.

“Kaya nga. Hindi kami mabait sa iyo dati. Babawi na lang kami sa iyo.”

Still weird. But whatever. Hindi ko pa rin alam kung bakit kasama ako. Something is not right ‘di ba? Kapag may basketball team, may Jiroh na lalabas. At least somewhere at the end of the road, may Jiroh.

And speaking of, nasaan ba yun? Bakit wala siya? Hinahayaan lang niya yung team niya na kidnapin ako?

Totoo naman yung sinabi nung team. Nilibre nga ako. Pati pamasahe ko sinagot nila. Ako lang yung babae doon. Deer in the headlights look nga siguro ako doon. Wala akong alam at mukha siguro akong tanga. Bakit ako kasali sa celebration? Kahit ano talagang tanong ko sa sarili ko nun, hindi ko pa rin alam

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (102)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

A Cheater's HeartMy Bestfriend, My Life, My Forever [OneShot]BUKO <3 [[ONGOING]]Kaibigan o Ka-ibigan?