Helloooooooooo.
Eto na update, bwiset na CAT. Kailangan ko magkaroon ng PRIVATE AWARD! XD
VOTE. COMMENT. FAN
_____________________
Tahimik akong nakapalumbaba sa table malapit sa maliit na sofa sa gilid. Kanina pa nagtatawanan yung dalawa dun o. Si Kaleb kasi, lumabas ata para bumili ng pagkain sa cafeteria. Dapat pala tinawgan ko s'ya kanina pa na wag na s'yang bumili ng pagkain. Naiirita na ako kanina pa.
At sa sobrang inis ko napatayo ako at napatingin naman sila pareho sa akin.
"Bakit?" masamang tumingin ako sakanila at matapos ay ngumiti.
"Susundan ko lang si Kaleb, namimiss ko na masyado e." matapos ay lumakad na ako palabas at sakto naman malapit na si Kaleb sa room.
"Shannon?"
"Kaleb!" nakangiti kong sabi. At least kahit papaano napagaan ang loob ko. Nakakasuya lang po kasi yung nasa loob e. Nandidiri lang ako. Wala pa silang ginagawa pero nakita n'yo naman diba? Mas kadiri at masahol sila sa lahat ng BS namin ni Jarreus e. Tawanan palang yan ha!
"Anong problema mo? Bakit nakasimbakol ang mukha mo?" tanong n'ya sakin.
"Malalaman mo ang kasagutan sa oras na buksan mo ang pinto." sabi -ko sakanya at napakunot naman ang noo n'ya. Inagaw ko yung isang tray sakanya at matapos ay binuksan n'ya yung pinto.
Nagulat ata s'ya ng makita si Jarreus at Yuri. Psh. Pumasok narin ako.
"Ah, andyan nanaman pala kayo." bored na sabi ni Kaleb,
"Parang ayaw mo ah?"
"Obvious ba masyado?" tanong ni Kaleb. Gusto ko mapatawa. This is why I love being with Kaleb. Galit na s'ya kay Yuri dahil sa ginagawa nito
sa akin. Buti nga sakanya. ^ v ^
"Kaleb, nagising na ba si Christine?"
"Hindi pa," tipid na sabi nito.
"Eh kumain ka na ba?" tanong ko ulet.
"Kakain palang,"
"Eh bakit dalawa 'to?" isa pang tanong. Hindi ako makulit ngayon no?
"Alam ko kasing dadating ka." napangiti ako. "Hindi ko naman alam na may iba papalang dadalaw edi sana nagpadagdag ako ng dalawa pang kamay."
"No- It's okay, kumain na kami kanina ni Jarreus sa Mall." mukha mo mall. Irita =___=
"Hayaan mo na sila Kaleb. Tara dito, bumili ako sa Tokyo-tokyo. Favorite mo yun diba?" nakangiti kong sabi.
"Nang-aasar ka ba?" inis na sabi ni Kaleb. Ayaw n'ya daw kasi sa Tokyo-tokyo. Pangit daw yung mannequin, I mean yung pinakamascot. Ang babaw n'ya no?
Nasa isang tabi kami at kumakain kaming dalawa. Samantalang yung dalawa nandun malapit kay Christine naglalandian. I don't even get it. Bakit mage-effort pumunta ang isang cassanova sa hospital? Para lang masamahan yung angel in disguise na yun? Psh.
"Kumain ka nga ng kumain, wag kang tumulala lang jan." bati sakin ni Kaleb. Napatingin ako sakanya at ngumiti ng kaunti.
"Oh." napatingin uli ako sakanya at nagulat sa kutsarang nakatambad sa harap ko. Ginalaw n'ya ng bahagya yung kutsara. Napataas ang kilay ko at umiling s'ya Nag smile nalang ako at matapos ay isinubo nalang yung pinapasubo n'ya.
"Masarap?" tanong n'ya. Nag make face ako.
"Mas masarap Tokyo-tokyo ko. Eto o, bili!" nilapit ko sa bibig n'ya yung plastic na kutsara. Nandilat ang mata n'ya at pinigilan yung kamay ko.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists