ang love bihira lang makita..
minsan andyan..
maya-maya WALA..
ganun lang naman talaga eh... yung meron bigla nalang mawawala..
pag nawala pa naman agad-agad parang bula..
pero kahit mahal mo kasi ang isang tao.. hindi ka nakakasigurong sya na talaga..
kaya ako--
nadala na ako sa pangyayari..
kasi yung taong akala kong kami na talaga, nawala na lang bigla..
kapag naaalala ko yun halos umaayon nga sa akin yung kantang kisap-mata..
2 years ago kasi nasaktan na ako .. kaya kung hindi nyo naitatanong.. oo masakit dahil ako at yung ex-boyfriend ko.. naghiwalay sa hindi malamang dahilan.. nakita ko nalang yung sarili kong nag-iisa at wala ng kasama..
ako nga pala si Ella Rose Genova
17, taga quezon city..
at high school ako ng mangyari ang masakit na pangyayaring iyon..
malinaw pa sa aking ala-ala..
---------------------------------------
<super_flashback> -- 2 years ago..
-----------------------------------------
nasa corridor ako.. at papunta ng hagdan, 2 p.m na, recess na kasi.. 4th year ako nun..
habang naglalakad napahinto ako sa isang classroom , may konting puwang kaya sumilip na ako.. may narinig kasi akong mga babaeng nagtitilian, sure ako ang lalandi nila..
hindi sa contradict akong tao pero ganun talaga ako..
" Jake ,pwedeng pakiss??" --sabi nung girl#1
"ako din! ako din!"-- sunod-sunod na sabi nung ibang girls..
hindi ko makita kung sinong lalake yung kinakausap nila dahil sa dami nila halos takpan na nila sya.
"yucckk!" bulong ko..
"sorry mga girls ,virgin pa ako eh.. tyaka hindi ko kayo type"-- sabi nung lalake.
"ahhyyy....--" sabi ng mga babae as in sabay pa.
"OA, feeling! sino ba yun?" sabi ko,
"hindi mo ba sya kilala?" --sabi nung nasa likod ko
"AAahhyyy... Palaka!!" sigaw ko sa pagkabigla, si fionna pala nasa likod ko..
" ano ka ba? bakit ka sumisilip dyan?"-- tanong niya
" ahh..ehh.. wala lang, ang ingay kasi ng mga babaeng haliparot dyan sa loob" --ako
"talaga?" --sya
"oo ,tyaka bakit ba?" --ako
"hmmm...baka ,isa ka na sa suitors ni Jake" sabi niyang may panunutil..
"excuse me, miss salvacion hindi ko sya type at higit sa lahat never akong magiging suitor nyang panot na yan dahil ang babaeng pilipina.. hindi pwedeng maging manliligaw at sa lalake pa.. naku hindi ko pinangarap--" --ako
"uyy.. di sya panot nuh" --sya
"bakit mo pinagtatanggol? aber? crush mo noh?" --ako
"uy.. hindi ah.. noon lang, hindi na ngayon.."--sya
"eh, bakit ganyan ka makareact?" --ako
"wala ka na dun, baka ikaw?" --sya
"addik! hindi mangyayari yun" -- ako
"talaga? panu pag nangligaw sayo? o di kaya magkagusto?" --sya
" a-ah basta.. hindi parin.. sino naman ako para magustuhan nya? hindi ako si anabel roxas" --ako
a/n: si anabel roxas po ang babaeng namumukod tangi sa kanilang school.. kung iturin sya ng mga lalake at kakilala ay isang dyosa sa ganda.. katapat kuno ng isang Jake mejares.
"naku--, miss genova.. mas maganda kang higit..sobra pa nga eh.. triple kung titignan"--sya
ayoko talagang maniwala sa mga taong nagsasabi na mas maganda talaga ako.. lahat ng teachers, classmates at kaibigan.. halos lahat ata pati school mates.. sinasabing maganda ako..
hindi sa pagmamayabang pila-pila mga manliligaw ko.. pero dahil ikinakaila ko mga sinasabi nila na mas tumagal ng 3 years.. ayun nagsawa nasila at ibinaling ang atensyon kay anabel.. pero ok lang di ko kailangan ng lalake.
" loko ka.. kelan pa? wala akong matandaan". --ako
"nagmamaang maangan ka pa di--" hindi nya naituloy dahil may lumabas ng room na sinisilip ko..
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists