MALDITA 25

985K 21.9K 5.9K
                                    

Maldita 25

Matamlay akong bumaba papunta sa dining area. Ito na ata ang pinakamalungkot na breakfast na pinagsaluhan naming mag-anak. Ngayon kasi ang alis nina Mommy at Daddy pabalik ng China. Nakakalungkot na hindi sila dito mag-sstay for good. Masaya dahil aalis sila na ok kaming lahat. Hindi ko alam kung anong paalam ang gagawin ko mamaya sa kanila. Iiyak ba ako, yayakapin sila nang mahigpit o kakaway lang sabay sabi ng bye-bye? I'm not good in goodbyes. Hindi ako sanay na nagpapa-alam, mas sanay ako na iniiwan na lang bigla.

"Avah." Natigilan naman ako sa pag-iisip noong tinawag ni Mommy ang pangalan ko. Tumingin ako sa kanya.

"You're not listening." Sabi pa nya.

"Sorry."

"Gusto ni Daddy na samahan mo si Neo hanggang matapos ang renovation ng School Garden." Ngiting-ngiti na sabi ni Avy. Ngiti na nang-aasar.

What?! Sasamahan ko ang lalaking 'yon? Ayoko nga! Ilang oras ko nga lang sya nakasama kahapon halos maubusan ako ng dugo sa sobrang kabwisitan. Aba, baka hindi pa tapos ang renovation, wala na akong dugo.

"Po? Bakit po? Wala po akong maitutulong sa kanya."

"That's the request of Mr. Aguilar. Sabi nya, since ikaw naman ang mamamahala ng School mas mabuti kung nandoon ka to give your insights, he has a point naman anak." Paliwanag pa ni Mommy.

At talagang ni-request pa nya. Gustong-gusto nya talagang nakikitang nabwi-bwisit ako.

"Para na din maging close kayo. Malay mo, ma-develop." Pang-aasar pa ni Avy. Sa inis ko sa kanya, sinipa ko ang paa nya na nasa ilalim ng table. Lalo naman syang natawa.Pupusta ako, kinumbinsi nya si Daddy na pumayag sa bagay na 'yon. Base pa lang sa mga ngiti nya, alam ko na na sya ang may pasimuno.

Magmula noong nalaman nya na si Neo Aguilar ang architect na kinuha nina Daddy hindi na sya tumigil sa pang-aasar sa'kin. Saying na 'meant to be' daw at 'destined' kami sa isa't-isa. Yuck lang! Kinikilabutan ako sa mga terms na ginagamit nya.

Tumikhim naman si Daddy kaya napunta ang atensyon namin sa kanya.

"Do you like him?" Halos masamid ako sa itinanong ni Daddy.

"No!" Sabi ko at umiling-iling pa. Tawang-tawa naman si Avy sa naging reaksyon ko. Nag-kibit balikat na lang si Daddy at pangiti-ngiti pa.

"He's a good catch." Biglang sabi ni Mommy.

"Mom!" Iritado kong sabi. Literal akong napa-facepalm sa mga komento nila.

Kanina lang para kaming namatayan dahil sa nalalapit na pag-alis nila, tapos ngayon naging laughing stack ako ng pamilya ko dahil sa isang lalaking ubod ng yabang!

-

Habang ibinababa ni Manong Sic ang mga gamit nina Mommy at Daddy mula sa sasakyan, pinapanood ko naman ang pagyayakapan ni Avy at Mommy. Normal ba na makaramdam ako ng awkwardness sa sarili kong pamilya? Hindi naman kasi ako kasing clingy ni Avy, hindi ako mahilig sa mga hugs and kisses. I guess nakuha ko ang trait na 'yon kay Daddy. Tulad ko, nakatayo lang sya habang pinapanood ang pagyayakapan nila Avy. Napangiti na lang ako, hindi naman pala ako dapat magtaka.

Si Mommy na mismo ang lumapit sa akin, ngumiti sya sa akin saka ako niyakap.

"Ingat." Sabi ko at kumalas agad sa pagkakayakap.Isang matipid na ngiti at tango lang ang ginawa ni Daddy noong magtama ang mga mata namin. And I did the same.

Ilang paalala pa ang ibinilin ni Mommy bago sila pumasok sa loob ng Airport at iniwan kaming dalawa ni Avy.

"Paano ba 'yan? Tayo na lang dalawa." Sabi ni Avy habang papasok sa kotse namin.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon