Chapter Twenty Four

279K 2.5K 239
                                    

Life was never fair.



Ibang klase, sa lahat pa ng milyong milyong tao dito sa mundo; sya pa ang napili na mapunta sa ganitong sitwasyon. Nalilito siya, ano ba ang dapat niyang gawin? Naaawa siya na hindi niya malaman. Para ba siyang naawa at nabwibwisit; kung bakit kelangan pang magpakatanga ng kaibigan niya sa isang taong kahit kelan hindi man lang siya nakita. Pero miske ganun ang naiisip niya, hindi niya maitatanggi na kahit papaano merong parte sa sarili niyang gustong ipagdamot ang lalaking ito. Na para bang..



Bakit? May karapatan naman ako.



Pero nagtataka siya. Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit parang sa unang beses sa buhay niya gusto niyang ipagdamot kung ano ang meron siya. Bakit? Napabuntong hininga siya. Pwede bang hindi muna umuwi ng bahay? Pwede bang mapagisa muna miske isang araw lang? Pwede bang lumipas ang buong araw na hindi niya makikita ang lalaking nagpapagulo ng isip niya ngayon. Gusto niya sana makapag isip isip. Ano ba talaga tong nararamdaman ko? Bakit ganito? Bakit para bang sa isang iglap, sa isang pangungusap..



Nagbago ang lahat.



Naramdaman niyang tumunog ang cellphone niya sa bulsa. Kinuha niya iyon at tiningnan. Well, sino pa ba ang ineexpect niya?



From: Lawrence Gurang Sungit .____.

Aren't you going home? It's getting late.



Sinara niya ang cellphone at tinanggal ang battery tsaka nilagay sa bag niya. Pumikit siiya. Oo tama, wala lang to. Hindi siya dapat magpaapekto, siguro nalilito lang siya at naguguluhan dahil na rin sa mga pangyayari at sa dami ng iniisip. Oo, wala lang to. Maaaring mag-asawa sila pero hanggang papel lamang iyon..



At wala nang iba.



"Wala lang to. Wala lang to Noneen. Pagod ka lang.." Bulong niya sa sarili. Tama, yun lang siguro ang pinagdadaanan niya. Wala lang to. Dapat niyang gawin ang dapat, hindi yung sa tingin niya ay tama.



"Gagu ka talaga pare, naknakan ka ng katalinuhang pang gago." Sabi ni Ervin sa kaibigan. Nasa bahay sila ngayon ni Ralph, nagbibilyar. Tumawa lang ng mahina si Ralph tsaka tumingin sa kaibigan.



"Ganun talaga buhay pare, minsan kelangan magpaapi, minsan kelangan gumanti." Sabi nito habang nakangiti. Napailing lang si Ervin, kahit kelan talaga tong kaibigan niya kahit anong kumbinsi ang gawin niya walang epekto. Talaga naman oh.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon