Chapter 45: Reunited (Part 2)

1.8M 55.7K 18.9K
                                    


Nakapiring man ako pero alam kong nakangiti siya sa 'kin at may binabalak siyang alam kong ikakagulat ko. Kinakabahan ako.

Ano bang gagawin niya?

Nakapiring pa rin ako habang nakatayo sa hindi ko alam na lugar. Sa pagkakatanda ko, sumakay kami ni Jeydon sa elevator pataas at sa tingin ko ay nasa rooftop kami. Mahangin dito at parang tahimik 'yong paligid. Maya-maya lang, biglang nagsalita si Jeydon.

"Sabi nila, love is sweeter the second time around..." Ang lalim ng boses niya. Ang sarap pakinggan.

Pagkasabi niya no'n, biglang tumunog 'yong gitara. Gusto ko siyang makita kaya kahit hindi ako sigurado kung dapat ko na bang tanggalin 'yong piring sa mata ko, inalis ko pa rin siya. Nakatayo siya sa harap ko, dala 'yong gitara niya. Tama ako, nasa rooftop kami ng ospital. Napapalibutan kami ng madaming rosas at may balloons pa. Halatang nag-effort ang nag-set up nito.

"Candice... be love?" Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Para akong nahuhulog sa kanya habang tinitignan ko siya.

]

Nagsimula na siyang kumanta habang ako, nakatingin lang sa kanya.

"Gusto kong magpaliwanag sa iyo. Ngunit 'di kinakausap... 'Di ko inaasahang diringgin mo..."

Mas lalong gumanda 'yong boses ni Jeydon. Napaka-husky ng boses niya at ang sarap pakinggan. Hindi ko na napigilan na mapangiti.

"Alam kong nasaktan na naman kita... Ngunit di ko naman sinasadya... Hinding-hindi na mauulit, sinta... Sana'y maniwala ka..."

Habang kumakanta siya, palapit siya nang palapit sa pwesto ko. Bumilis na naman tuloy 'yong tibok ng puso ko. 'Yong feeling na magkatitigan kayo habang kinakantahan ka niya. Ang sexy pa ng dating ng boses ni Jeydon. Bakit gano'n? Kinikilig ako na parang teenager. Ugh! Hindi ko mapigilan na mapangiti at sa tingin ko, namumula na 'yong pisngi ko.

"Sabihin mo na...kung anong gusto mo. Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo. Sabihin mo na kung papaano mo mapapatawad..."

Tumigil siya sa pagkanta niya. Nilapag niya yung gitara niya pagkatapos ay lumapit pa siya sa 'kin nang sobra. Magkatapat na 'yong mukha naming dalawa at dahil mas matangkad siya sa 'kin, kailangan kong tumingala para makita ko nang maayos 'yong mukha niya.

"I'm sorry." Nakatitig lang siya sa mata ko. Hinawakan niya 'yong dalawang kamay ko. "Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung iniwan kita. Sorry kung napabayaan kita. Sorry sa lahat-lahat. All I want is for you to be happy pero mas lalo lang pala kitang nasaktan."

Hinawakan niya naman ngayon 'yong mukha ko kaya mas lalo tuloy lumakas 'yong kabog ng puso ko. Ang lapit-lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

"Tuwing lalapit ako sa 'yo nang ganito kalapit, kinakabahan ako. Bumibilis palagi 'yong tibok ng puso ko. You're making me fall for you. Every time."

Hinawi niya 'yong buhok ko para mas lalo niya akong makita.

"Damn, I'm so in love with you, Candice."

Unti-unti, parang hindi na ako makahinga nang maayos. Parang naramdaman ko ulit lahat ng mga naramdaman ko noon no'ng nagsisimula pa lang kaming magkagusto sa isa't isa. 'Yong slow motion. 'Yong pagbilis ng tibok ng puso ko at 'yong pakiramdam na hindi ako makahinga.

"Hindi ko alam kung karapatdapat pa rin ako sa 'yo, sa dami ng katangahan at maling nagawa ko. Candice, bawat kasalanan na nagawa ko, lahat 'yon pinagsisisihan ko pa rin hanggang ngayon. Sana nga ako na lang 'yong nasaktan at hindi ikaw kasi mas masakit sa 'kin na nasasaktan ka at ako 'yong dahilan." Nagulat na lang ako no'ng may luha na tumulo galing sa mata niya. "Candice, sana mapatawad mo pa ako." Pinunasan ko 'yong mga luha na unti-unti nang pumapatak galing sa mata niya.

"Pinapatawad na kita, Jeydon." Ngumiti siya at hinawakan niya 'yong kamay ko habang hawak hawak ko 'yong mukha niya. "Noon pa, pinatawad na kita." Hinila niya ako papalapit sa kanya tapos niyakap niya ko.

"Alam mo ba kung gaano mo ako pinasaya? Sobrang sobrang sobra." Mas lalo niyang hinigpitan 'yong pagyakap niya sa 'kin. "I miss this. I miss hugging you. I miss everything about you."

"Gusto kong maging totoo sa sarili ko, kahit ngayon lang... na-miss ko rin 'to. I miss you too, Jeydon." Hinarap niya ako sa kanya at nakita ko agad 'yong ngisi ng isang Jeydon Lopez.

"I know. You're not gonna resist my charm." Habang nakangisi, kinindatan pa niya ako. "Jeydon Lopez 'yan e." Natawa tuloy ako bigla.

"Oo na, ikaw na. Ikaw na talaga." Hinawakan ko 'yong mga pisngi niya. "Ang gwapo-gwapo mo po kasi 'no? Jeydon Lopez." Natawa rin siya sa sinabi ko.

"Aanhin ko 'yong kagwapuhan ko kung hindi naman ikaw 'yong makakatuluyan ko?"

I don't know what to say kaya napataas na lang ako ng kilay sa sinabi niya. Simpleng pick-up line lang pero tinamaan agad ako.

"Can you close your eyes again?" Nag-nod ako tapos pinikit ko na lang 'yong mata ko. Ano na naman kaya 'yong gagawin niya? Meron pa ba? "On the count of three, open your eyes. One, two, three..."

Pagmulat ko ng mata ko, may isang malaking banner na nakasabit sa napakadaming balloons pero hindi ko pa makita 'yong nakasulat do'n kasi may takip pa siya. Nakaluhod sa harap si Jeydon habang may hawak-hawak siyang isang piraso ng rosas.

"Alam mo ba? Bago pa ako magpa-opera, kinasabwat ko na 'yong mga nurse rito. I already planned all of this. Tinulungan nila akong ayusin 'to. Sabi ko sa sarili ko, kapag successful 'yong operation ko, hindi ko na talaga papalagpasin 'yong pagkakataon na 'to."

Hindi ko na talaga alam kung anong magiging reaksyon ko. Masaya ako. Sobrang saya na parang naiiyak. Mixed emotions e. Parang lahat ng sakit na naramdaman ko noon, nawala na lang bigla.

"Candice, 'yong pagmamahal ko sa 'yo parang langka... langkatapusan."

Unti-unti niyang inalis 'yong takip no'ng banner.

"Hindi ko alam kung kailan 'yong mahal na araw kasi ang alam ko, mahal kita araw-araw."

Hindi ko mapigilan na mapangiti nang sobra. Ang simple lang naman ng nga pick-up lines niya e. Hindi na bago pero ang lakas pa rin ng epekto sa 'kin.

"Anong panulat ba 'yong gamit mo? Kasi hindi kita kayang burahin dito sa puso ko."

Natanggal na 'yong takip ng banner at dahan-dahan ko 'yong binasa.

"Can we start over?"

Tumayo siya tapos lumapit ulit siya sa 'kin. Inabot niya sa 'kin 'yong isang pirasong rosas.

"Alam ko hindi gano'n kadaling ibalik kung ano mang meron tayo dati pero ayos lang kasi hihigitan ko pa 'yon." Hinawakan niya ulit 'yong mukha ko. "Just give me another chance and I will make things right." Pinatong niya 'yong noo niya sa noo ko. "Hayaan mo naman akong ligawan kita ulit o? Gusto ko ulit maging deserving sa pagmamahal mo."

Tears of joy siguro? Kasi hindi ko mapigilan 'yong pag-iyak ko. Sobrang overwhelmed ako. Alam kong hindi tama na maging masaya ako sa panahon na nawala 'yong kaibigan ko at nasasaktan si Lucas pero hindi ko mapigilan na maging masaya kahit na ngayon lang.

"Candice Gonzales," lumuhod ulit siya sa harap ko. "Pumayag ka man o hindi na ligawan kita, wala kang magagawa kasi araw-araw kong ipapakita at ipaparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal."

"E bakit humihingi ka pa ng permission kanina kung wala rin naman pala akong magagawa?" Sira talaga siya. Napakamot na lang tuloy siya ng ulo niya tapos sabay kaming tumawa. "I guess, sometimes, we need a second chance because our time wasn't right the first time." Ang laki ng ngiti sa bibig niya. Hinarap niya ulit ako.

"It's now or never."

I thought I lost him, but then he looked at me with the same look he had when we first met.

"I love you, Candice."

I love you too, Jeydon, pero sa ngayon, sasarilinin ko muna 'yon hanggang sa dumating ulit ang time para sa 'ting dalawa. Kapag sumang-ayon ulit sa 'tin ang tadhana at kapag pinana ulit tayong dalawa ni kupido, alam kong magiging sobrang worth it ang lahat ng ito.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon