KASUKDULAN (CLIMAX)

10K 105 45
                                    

Ito po ay Rated SPG - Striktong Patnubay at Gabay. Strict Parental Guidance. Maaaring may maseselang Tema, Lingguwahe, Karahasan, Sekswal, Horror at Droga para sa mga BATANG MAMBABASA.

______________________________________________

KASUKDULAN

by Heather_Juno

           Gaano nga ba kalaki ang kaya mong isakripisyo para makapag-aral?

           Katorse, Katorse anyos na ako nang magsimula ako sa first year. Dalawang taon kasi ako huminto sa pag-aaral kasi pinagtrabaho na ako ng nanay ko sa pagtuntong ko sa edad na dose,

           Ito lang naman ang hiling ko sa kanya, dahil lahat naman ng sinesweldo ko ay sa kanya rin napupunta. May maganda naman akong trabaho. Kumikita ako ng mas malaki kaysa sa ibang bata dyan na nagbebenta ng bote at dyaryo, nangangalakal, nagbebenta ng sampaguita sa simbahan at ung anu-ano pang pambatang pagkakakitaan. Trabaho.... trabaho. Trabaho nga ba ang tawag doon?

           Birthday ko nun. Ang araw na tumuntong na ako sa edad na dose. Masayang masaya ako dahil ibinili ako ni nanay ng bestida na araw-araw kong tinitingala sa divisoria. Pati na rin ang panty at bra na nakikita ko sa iba kong mga kaklase na ibinili rin ng sarili nilang mga ina. Masaya ako. Masayang-masaya. Dahil ngayon lang 'to ginawa ni nanay.

           Nagpasalamat ako sa kanya. Minsan lang kasi niya ako bilhan ng bagong mga damit. Mabibilang mo lamang sa daliri. Nakangiting inutos niya na Isuot ko daw lahat at pagdating daw ng bandang pahapon ay magkakaroon ako ng pabirthday, at hindi lang ang iniisip kong regalo na nakabalot sa kumikinang na tela -- kundi pera daw. Maraming maraming pera, Basta daw maging masunurin lang ako at magpaganda lalo, maipagpapatuloy ko na daw ang pag-aaral ko.

           Excited ako. Pagdating ng bandang alas-singko ng hapon ay nagbihis na ako. Kinuha ko rin ang mumurahing polbo ni nanay sa kanyang inaanay na cabinet, pati na rin ang lipstick niya na sobrang pudpod na. Tumingin ako sa salamin. Ngumiti. Maganda na ako.

           Nakangiting pinuri ako ni nanay. Ang tatay ko ay nagtatrabaho bilang kargador sa palengke at wala pa siya kaya hindi niya nakita ang ayos ko. Pero nangako siya sa aking uuwi siya para iselebra ang aking kaarawan. Siguradong matutuwa siya pag nakapag-abot na ako sa kanya ng pera.

           Niyakag na ako ni nanay sa may kanto. Doon daw kami mag-aabang ng sasakyan, Habang nandoon kami, hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinasabi ng mga lasenggo sa kanto.

           "Putangina rin! Tibay ng sikmura ni Ibyang!"

 

           "Sadyang nangalakal na ng tuluyan!"

 

           "Wag kayong mga ganyan, pare! Nakakalibre dutdot ako kay Ibyang."

 

           "Magsitahimik kayo, mga punyeta!" Sigaw ng isang babae.

           Ibyang. Ang aking ina. Ano ang ibig nilang sabihin?

KASUKDULAN (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon