Unfinished Song

51 3 2
                                    

Unfinished Song

© waytBored. All Rights Reserved.

Di ko alam kung paano ko to sisimulan. Grabe. Dapat yata 'unstarted' yung title nito e. Wala akong maisip. Makapag-music na nga lang muna at baka may maisip ako.

Sinaksak ko na sa tenga ko yung headset ko. Wow ah. 'Sinaksak' talaga ang term. Baka magdugo yan. Okay, tama na.

PLAY.

Tignan mo nga naman. Sa lahat ng kanta eto pa talaga. Intro pa lang, alam ko na. Unti-unti na namang bumabalik yung mga memories. Tanga kasi, di pa burahin diba?

It took one look ♪ 

Then forever laid out in front of me 

Sa lahat ng alaala ko, ito ang pinakamalinaw.

Paakyat ako nun sa hagdan papuntang 4th floor nung makita kitang nakaupo sa hagdan. Sa hagdan talaga, may upuan naman. Abnormal.

'Magkakaroon ka ng malaking parte sa buhay ko.' Hindi ko alam kung bakit, pero yan ang unang pumasok sa isip ko. Sumpa yata yan. Shete. Di ko alam kung bakit unang beses pa lang may iba na akong naramdaman. Hindi. Wag kang OA, hindi love at first sight ang naganap. Wag kang ewan, di ka kagwapuhan.

Gusto ko sanang bumanat ng 'I saw forever the first time I saw you' pero I can't see the future, you know? I only see you... oh c'mon!

One smile then I died 

Only to be revived by you 

Naging kaklase kita. Parang sadyang binigyan tayo ng chance para magkakilala, para maging magkaibigan. All along, my eyes were on you. Yung mga simpleng bagay na ginagawa mo, napapansin ko. And you know what amazes me the most? Yung ngiti mo. Hindi ako palangiti pero dahil sa mga ngiting yan, nahahawa ako. Sakit ba yan?

There I was 

Thought I had everything figured out 

Ayun na nga. Nakakabiruan na kita. Nakakabugbugan. Nakakasakitan. Wagas naman ang mga bonding natin ah. Masaya ako sa tuwing pinagtitripan natin ang isa't isa. Natutuwa ako pag nagaasaran tayo. Gusto ko lagi na lang tayong ganito. Gusto ko lagi ka na lang nandyan. Gusto kong umutot tae ang lumabas. Boom! Joke lang. Ang totoo nyan, gusto kita.

Hanggang sa umamin ka. Napaamin ka ng di oras. Di mo naman talaga gustong umamin, pinilit ka lang. Nagpapilit ka naman, sira. Umamin kang 'crush' mo ako. And that was one of the happiest moments of my life. At ang iba pang happiest moment ko? Ikaw din ang may gawa. Marami kang ginawa para sa akin. Efforts. Nakakatuwa. Pinaramdam mo sakin kung gaano kasarap mabuhay.

Masaya tayo. Hindi pa rin nawala yung mga asaran moments natin eh. Pero may pasingit singit na ring sweet sweetan. Gosh. Kinikilig ako.

Lumalim ng lumalim yung nararamdaman natin sa isa't isa. Mahal na kita. Mahal mo ako. Sabi mo yan. Wag kang umangal. Pero hindi ko naisip na hindi pala pwedeng puro saya lang.

Goes to show just how much I know 

'bout the way life plays out... 

Naging selosa ako. Naging clingy. Naging nagger. Naging possessive. Naging immature. Madalas tayo mag-away pero ayos pa naman kasi di naman nagtatagal yun. Nagso'sorry' ka naman agad at syempre di naman kita matiis.

Pero hindi pa pala yun. Kinailangan mong lumipat ng school. Nagkalayo tayo. Mga isang sakay lang sa jeep naman. Di naman talaga LDR. Pero andami pa ring nagbago.

Lagi na lang akong nag-ooverthink. Kung anu-anong naiisip ko. Nababaliw ako. Namimiss kita. Pero wala akong magawa. Nawawalan ka na ng oras sa akin. Madalas kong maramdaman na binabalewala mo ako. Nararamdaman kong unti-unti na akong nawawalan ng halaga sayo. Hanggang sa biglang nawala. Hindi ka na nagrereply sa mga message ko text man o fb kaya hinayaan kita.

I take one step away ♪

then I find myself coming back to you ♪

My one and only, one and only you...ooh... ♪

Hinayaan lang kita. Baka kailangan mo lang ng space. Baka nasasakal ka na kaya hinayaan kita. Hindi na kita ginulo ng mga ilang linggo. Hindi ko inisip na magmove-on dahil alam kong mamimiss mo ko at magpaparamdam ka ulit.

Tama ako. Nagparamdam ka ulit. At alam mo ba kung gaano ako kasaya nun? Syempre hindi. Akin na lang yun. Namiss kita ng sobra. Balik tayo ulit sa dati. Kulitan na naman sa text dahil di naman tayo pwedeng madalas magkita.

Now I know 

That I know not a thing at all 

Sa mga panahong yun, na alam kong mahal natin ang isa't isa. Wala na akong ibang inisip na importante kundi yung tayo.

Except the fact that I am yours 

And that you are mine 

Yung mga pangako nating sayo lang ako at akin ka lang. Ang baduy. Grabe. Iba talaga pag inlove.

Ooh, They told me that this wouldn't be easy 

And no I'm not one to complain... 

Simula pa lang naman alam ko na na kapag nagmahal ka, kasama na dun yung sakit, package deal kumbaga. You can't take love without pain. Ano ako sinuswerte? Kaya alam kong wala akong karapatang umangal, kasi bago ko pa man pasukin to, alam ko na yung risk. And I took that risk para lang mahalin ka.

At wala pa rin akong karapatang umangal kahit na nasasaktan na naman ako ngayon.

Bumabalik na naman tayo sa dati. Wala na naman ako sayo. Dinededma mo na naman yung mga text ko, seen na naman ako sa fb. Pag tinatanong kita, puro ka na lang dahilan. Kesyo busy ka. Mabagal ang connection. Achuchuchu.

At isang madilim na gabi, nalaman ko lahat ng dahilan. Naiinis ka na sakin. Napipikon ka na sa mga tanong ko. Ayaw mo na akong kausap. Kung kaharap lang siguro kita nung malaman ko yun malamang wala ng natirang puti sa balat mo.

Ang sakit kasi nun. Sobra. Buong akala ko mahal mo ako, tapos ganun lang. Shet lang. Diniretso mo na lang sana ako. Hindi yung unti unti mong tinatapyas yung puso kong walang ibang ginawa kundi tumibok para sayo. Sadista ka rin eh.

I take one step away 

then I find myself coming back to you 

Masokista naman ako. Bagay talaga tayo. Lumayo ako kunwari. Hindi ako nagparamdam kunwari. Kunwari nagmomove-on na ako. Kunwari kinalimutan na kita. Kunwari okay na ako. Pero kunwari lang lahat yun. Kasi ang totoo, umaasa pa rin ako na matauhan ka. Na marealize mong mahal mo talaga ako. Na magsisisi ka.

At tama nga ako. Nakailang tama na ba ako sa kwentong to? Eh kung maging manghuhula na lang kaya ako tutal napepredict ko naman ang mga pangyayari.

Sinabi mo lahat ng mga inaasahan ko sa isang kaibigan.

My one and only, one and only 

Narealize mong mahal mo pala talaga ako. Nagsisisi ka sa mga ginawa mo.

Tinanggap kita ulit. Ako pa nga yung gumawa ng paraan para masabi mo sakin diretso. Wala eh.

Apat. Hindi apat na buwan, kundi apat na araw lang tayong okay. Pakingtape diba? Bumalik na naman sa dati. Uulitin ko pa ba? Binalewala mo na naman ako. 'Repeat chorus' pala dapat title ng kwentong to eh. Shete talaga.

Masokista lang ako pero di ako suicidal. Sa tingin ko kasi kung itutuloy ko pa to, baka ito pa ang ikamatay ko. O baka ikaw ang mapatay ko. I don't wanna be a murderer.

So I decided...

I take one step away 

DEAD BATT.

Shet. Di ko pa nga nasisimulan yung kwento eh.

© waytBored. All Rights Reserved.

Unfinished SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon