Previous Page of 2Next Page

The Game Of Make Believe (ON-GOING --Chapter 15)

Dedicated to
PrincessTwinkle
spinner.gif

Chapter 11:

 

 

<Charles’ POV>

 

 

Kinabukasan, hinihintay ko talagang pumasok si Danna. Nag-aalala kasi ako, mamaya bigla naman siyang himatayin.

 

 

“Uy, time na.” paalala ni Jaren.

 

 

“Sige mauna ka na.”

 

 

Hinila ni Jaren yung bag ko. “Gagi pare overfatigue lang yun, hindi yun nakakamatay.” Sabi nya sabay hatak sa akin papasok sa Classroom.

 

 

“Jaren!” reklamo ko.

 

 

“Keep your head in the game, Charles.” Sabi nya. “You’re not the one who’s suppose to fall-in-love.”

 

 

“I don’t love her, I just care for her.”

 

 

“Bakit? Girlfriend mo ba siya? Kapatid?” tanong nya.

 

 

Bakit nga ba? Bakit nga ba ako nag-aalala para kay Danna? Maybe I think she’s special. May iba sa kanya. Yung paniniwala nya sa pagmamahal. I just want to know more. Maybe because I think she had a point.

 

 

Baka tama kasi siyang may ‘love’ talaga. Baka all this time,malipala ako. Gusto kong malaman. Gusto kong isolve ‘tong malaking katanungang ito sa isip ko.

 

 

“See, hindi mo ko masagot?” sumbat ni Jaren habang nakangisi. “Basta dude, pinasok mo ‘to, panindigan mo. Wag mong kakalimutan ang mechanics; kapag nahulog ka sa kanya, talo ka.”

 

 

Sabay kaming pumasok sa classroom. Wala pa yung teacher namin, at usual physics nanaman.

 

 

“Okay.” Agad na sabi ni sir Bantiles nung pumasok siya ng room. “Sananag-aral kayo kagabi  kasi may inihanda akong pop-quiz.”

 

 

Napatingin ako sa upuan sa tabi ko. Wala pa rin siya. Ano na kayang nangyari sa kanya? Pilit kong inalis yung tumatakbo sa isip ko at ibinaling ko yung atensyon ko sa quiz namin.

 

 

Tinuro ni Danna ‘to e. Bulong ko sa sarili ko. Pero hindi ko maalala yung sagot. Pakshet. Napakamot ako ng matindi. Pinatong ko nalang yung ulo ko sa table kasi nawawalan na ako ng pag-asa.

 

 

“Mahirap ba?”

 

 

Tinaas ko yung ulo ko. Nakita ko si Danna na ipinapatong yung gamit nya sa table nya sa tabi ko.

 

 

“Tinuro ko na yan a? Sayang yung ibabayad mo sa akin ah?” biro nya. “Sige libre  nalang yun parang wala ka naman kasing natutuhan.” She smiled tapos nagsagot na sya.

 

 

“Akala ko hindi ka papasok e.” bulong ko para di marinig ni Sir.

 

 

“Overfatigue lang yun, natulog lang ako.” Sagot nya. “Mamaya na tayoamg-usap baka marinig tayo.”

 

 

Pagkatapos nung klase…

 

 

“O, anong score mo?” tanong ni Danna habang nakangisi.

 

 

“Secret.” Tinitigan nya ako ng galit. “Fine, 2/10.”

 

 

“Tsk. Tsk.” Umiling siya. “Sige wag mo na ako bayaran.”

 

 

Kumuha ako ng pera sa wallet ko. “O eto. Tutor mo pa ako.”

 

 

“Hindi ako magaling na teacher no!” pagtanggi nya.

 

“Kaya mo ba akong pagtyagaan?” tanong ko. Tumango siya. “May tiwala ka ba sa akin?” tumango ulit siya. “Then you are perfect.” Tapos shinoot ko sa bulsa nya yung pera.

 

 

Hinawakan ko yung braso nya at dinala siya palabas ng school. “O ayan, bayad na isang linggo mo, tutor mo na ako.” Sabi ko.

 

 

“Hala…” she protested pero wala na siyang magagawa.

 

 

Binuksan ko yung pinto ng kotse ko para makasakay siya kaso may biglang nagbagsak nung pintuan at isinara ulit yon. “Diba dapat ako yung kasabay umuwi ni Danna?” tanong nya.

 

 

“Jason, ayoko ng gulo.” Sabi ni Danna.

 

 

Ngumiti si Jason. “Good,” hinawakan nya yung kamay nito. “Halika na sumabay ka na sa akin.”

 

 

Hinawakan ko yung kabilang braso ni Danna. “Hoy Estrella, baka gusto mong masample-an ulit.” Banta nya sa akin.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended