Ayumi's POV

"Ayu, nakahanda na breakfast sa baba." tawag sakin ni Yannie.

Lumabas naman na ako ng kwarto ko at dumiretsyo na sa dining. Kumain lang kami saglit at naghanda na para sa pagpasok ulit sa school.

"Uy Yannie. Sabay ako sa'yo. Nakakatamad kasi magdrive." tawag ni Zoe kay Yannie at nakangiti pa ng malapad. Girl hyper talaga 'to.

"Sige."

 

 

"Uy kayong dalawa. Una na kami ha. See you na lang sa room. Bye!" kumaway pa ng kumaway sa Zoe samantalang si Yannie tinanguan lang kami.

Para talagang iba ang aura ngayon ni Yannie. Bakit kaya?

 

"Ayuyu. Sabay na lang din ako sayo."

 

 

"Okay. Tara na." aya ko kay Sab.

Nang makasakay na kami ng kotse ko at nagpaandar na ko, nagtanong naman si Sab.

"Wala ka bang napapansin kay Yannie?"

 

 

"Meron. Ang tamlay niya ngayon." sagot ko habang nakatingin pa rin sa daan.

 

"Oo nga. Dati kasi nagtataray lang siya. Ngayon parang ang lungkot lungkot niya."

 

 

"Baka naiisip na naman si Tom."

 

 

"Haaay. Di pa talaga siya nakakamove on." pailing iling na sabi ni Sab.

"Sana makahanap na siya ng bago. Para maging masaya na siya. Saka sayang ang ganda ni Yannie. Naging man-hater na siya e. Pakiramdam niya lahat ng lalaki iiwan lang din siya."