Previous Page of 4Next Page

Teen Clash [Boys vs. Girls]

spinner.gif




Ayumi's POV

 

 

 

"Ayu, nakahanda na breakfast sa baba." tawag sakin ni Yannie.

 

 

 

Lumabas naman na ako ng kwarto ko at dumiretsyo na sa dining. Kumain lang kami saglit at naghanda na para sa pagpasok ulit sa school.

 

 

 

"Uy Yannie. Sabay ako sa'yo. Nakakatamad kasi magdrive." tawag ni Zoe kay Yannie at nakangiti pa ng malapad. Girl hyper talaga 'to.

 

 

"Sige."

 

 

"Uy kayong dalawa. Una na kami ha. See you na lang sa room. Bye!" kumaway pa ng kumaway sa Zoe samantalang si Yannie tinanguan lang kami.

 

 

 

Para talagang iba ang aura ngayon ni Yannie. Bakit kaya?

 

 

 

"Ayuyu. Sabay na lang din ako sayo."

 

 

"Okay. Tara na." aya ko kay Sab.

 

 

 

Nang makasakay na kami ng kotse ko at nagpaandar na ko, nagtanong naman si Sab.

 

 

 

"Wala ka bang napapansin kay Yannie?"

 

 

"Meron. Ang tamlay niya ngayon." sagot ko habang nakatingin pa rin sa daan.

 

 

"Oo nga. Dati kasi nagtataray lang siya. Ngayon parang ang lungkot lungkot niya."

 

 

"Baka naiisip na naman si Tom."

 

 

"Haaay. Di pa talaga siya nakakamove on." pailing iling na sabi ni Sab.

 

 

"Sana makahanap na siya ng bago. Para maging masaya na siya. Saka sayang ang ganda ni Yannie. Naging man-hater na siya e. Pakiramdam niya lahat ng lalaki iiwan lang din siya."

 

 

"Pero hindi naman ginusto ni Tom mamatay. Sana nga matuto ulit siyang magmahal. At sana rin bumalik na siya sa mataray na Yannie. Di ako sanay ng di nagtataray yun e. At ganyang katamlay."

 

 

"Sana nga. Pero babalik din yan sa dati. Kita mo nga si Zoe nung Thursday parang wala sa katinuan, pero ngayon balik na sa pagkahyper." natawa naman si Sab sa sinabi ko.

 

 

 

Pero ano nga kayang nangyari kay Zoe last Thursday? Kasi para siyang ewan nun.

 

 

 

Flashback..

 

 

 

Nasa may parking lot na kami ni Sab at hinihintay lang si Zoe para sabay sabay na kami pumunta sa No Name. Si Yannie kasi nagpaiwan na.

 

 

 

"Ang bagal talaga ni Zoe forever." sabi ni Sab habang nakasandal sa kotse niya.

 

 

Nakita ko naman siya sa di kalayuan na naglalakad na papunta sa kinatatayuan namin. "Ayan na pala Sab." sabay turo ko pa sa direction ni Zoe.

 

 

 

Pero sobrang bagal ng lakad niya at nakayuko pa siya habang naglalakad. Naglakad na kami ni Sab papalapit sa kanya at huminto sa may gilid niya. Pero siya tuloy pa rin sa paglakad. At parang may binubulong pa. Sinabayan na namin siya sa paglakad.

 

 

 

"Uy Zoe." kinakalabit pa siya ni Sab pero wala pa rin hinto sa paglakad si Zoe.

 

 

"Zoe okay ka lang ba?" deadma pa rin. At bulong lang ng bulong. Medyo lumalakas na yung lagsasalita niya kaya narinig na namin yung sinasabi niya.

 

 

"Wala na. First pati second wala na. At sa kanya pa napunta. Wala na." ayan lang ang paulit-ulit niyang sinasabi. Tumingin naman ako kay Sab, nagbilang gamit ang daliri ko.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (449)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 18 - Girl in the music room

Cast

Park Hyo Jinas Zoe Davis
Park Tae Junas Ice Scott
Ryu Hye Juas Yannie Seung
Park Ji Hoas Xander Evans
Ban Nam Gyuas Sabrina Fortalejo
Kim Min Junas Josh Alonzo
Park Ji Hyunas Ayumi Kahn
Park Hyung Seokas Ken Yu

Who's Reading

Recommended