Chapter 20: Selos Overload

700 10 3
                                    

ARIA

“Oy! Aga aga nag-eemo ka dyan!” Bungad ko agad sa kay Khalil pagkatabi ko sakanya. Andito kami ngayon sa cafeteria.

“Wala lang ito.” He sighed.

“Sus! Ako ba niloloko mo? Wala atang bestfriend ang hindi nakakaalam ng tunay na nararamdaman ng bestfriend niya!” Narinig ko natawa nalang siya sa sinabi ko.

“Feel na feel mo talaga ang pagiging bestfriend ko ano?” Tumawa ulet siya kaya natawa na rin ako.

“Aba syempre! Maging bestfriend mo ba naman one of the FF boys. OMG! A dream come true!” Unakto ako na para bang isang fangirl na patay na patay sa idol niya. Lalo tuloy siya natawa sa akin. Pero ang totoo naman niyan ay fan naman nila talaga ako. Lalo na kay Khalil. Siya ang crush ko sa FF.

“Ikaw talaga! Ang kulet mo.” Aniya. Bigla niya ako inakbayan at kinurot sa ilong kaya naman natigilan ako. Ilang secundo ako hindi umimik bago gumalaw at bahagya na lumayo sa kanya. Nagkunwari nalang ako nainis sa ginawa niya pangungurot sa akin para hindi niya mahalata ang pagka-ilang ko.

“Ano ba kasi problema mo? Dali na papakinggan kita.” Tinignan niya ako. Ningitian ko lang naman siya. Ngiting malapad. Ewan ko masaya lang siguro talaga ako sa nangyayari sa akin ngayon. I can't believe bestfriend ko na yung crush ko! Pero syempre ginagawa ko rin naman ang duty ko bilang bestfriend. Handa tulungan siya sa kahit anong bagay.

“Ikaw, paano mo nagagawang ngumiti lagi? Alam mo natutuwa ako kapag nakikita kita. Nakakahawa kasi yang kasiyahan mo. Yung tipong kapag ngumiti ka, napapangiti din yung mga tao sa paligid mo.” Lalo ako napangiti sa sinabi niya. Kahit na ba alam ko iniiwasan niya yung tanong ko kanina, hindi ko mapigilan hindi maflattered sa mga sinasabi niya at the same time kinikilig na din ako.

“Always smile to others to make them feel better. Syempre kung malungkot ang isang tao, bakit mo pa siya kailangan sabayan ng kalungkutan niya kung pwede naman ngumiti ka at pasayahin siya para maging okay dba? Ewan ko ba pero siguro ganun lang talaga ako. Masayahin tao, pala ngiti...”

“At parang walang pinoproblema.” Duktong niya. Napatingin ako sa kanya at ningitian lang siya. Kung alam niya lang, madami rin ako problema, yun nga lang dinadaan ko nalang sa ngiti ang lahat. Natahimik ang paligiran namin. Walang nagsasalita parehas lang kami nakatingin sa kawalan. Magsasalita na dapat ako para mabasag itong katahimikan na ito pero bigla siya nagsalita...

“Ang hirap din pala...” Hindi na muna ako nagsalita. Hinayaan ko nalang siya tapusin ang sasabihin niya. “Ang hirap pigilan yung sakit... Yung tipong kapag andyan sila nagagawa mong ngumiti sa kanilang dalawa. Nagagawa mo maging masaya para sa kanila pero kapag nakatalikod ka na at nagiisa dun mo lang talaga nailalabas tunay mong nararamdaman... Yung sakit.”

“Alam mo ba kahapon tinawagan ako ni Kath...” Nilingon ko siya. Yes, I should've known si Kath ang tinutukoy niya. As always naman eh. Kailangan ko na ata masanay. “Tumawag siya sa akin kahapon, nagpapatulong magsurprise party kay Daniel. Tinanong ko siya kung bakit, kung bakit niya gagawin yun. Sabi niya wala lang daw gusto lang daw niya maging masaya si Daniel sa kaarawan nito.”

“Nung una tuwang tuwa pa ako kasi tinawagan ako ni Kath pero nalungkot ako nung nalaman ko kung bakit. Napa-isip ako na sana hindi nalang siya tumawag. Masakit kasi. Kung alam niya na gusto ko siya, magpapatulong pa ba kaya siya sa akin?”

Ikaw, kung alam mo ba na gusto kita, magoopen ka pa ba sa akin tungkol dito? Gusto ko sabihin sa kanya pero I don’t have the guts. Kung alam mo lang Khalil, nasasaktan din ako.

“Anong sabi mo sa alok ni Kath?” Alam ko masakit na yung mga sinasabi niya pero wala ako magagawa. Ako lang malalabasan niya ng mararamdaman ngayon. Hayaan nalang.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon