Previous Page of 2Next Page

The Night I Met You

Dedicated to
Yhummie
spinner.gif

Nakakairita naman o. Simple lang naman yung tanong ko di pa masagot. Hmpf! Bahala na nga siya.

"Mama, sorry late na ako nakauwi." bati ko kay mama pagkadating ko ng bahay. Nagmano ako sa kanya habang nagpreprepare ng meryienda.

"Si papa, mama?" tanong ko habang kumakain ng mansanas sa counter.

"Ayun, may meeting kaya mauna na raw tayong kumain. Gutom ka na ba anak?"

"Di papo mama. Sige po, gagawa po muna ako ng homework."

"Sige anak." at pumanik na ako sa kwarto ko. Sinimulan ko na yung paper ko sa English namin. Wala pang isang page napapapikit na ako.

"Hmm...Inaantok na ako. Bakit ganito..." at pinunasan ko mata ko para magising ng onti.

 

Tick tock. Tick tock. Tick tock. nakakahele naman yung tunog nung orasan...

 

Tick tock. Tick tock. Tick tock. siguro mamaya-maya ko na ito gagawin.

 

Tick tock. Tick tock. Tick tock. ano kaya niluto ni mama...

 

Tick tock. Tick tock. Tick tock.

Tick tock. Tick tock. Tick tock.

Tick tock. Tick tock. Tick tock.


KRIIIINNNNGGG!

KRIIIINNNNGGG!

KRIIIINNNNGGG!


"Aaa--Huh?" napatingin ako sa paligid. Lumilitaw na yung araw. Kinuha ko yung orasan kong nag-iingay at pinatay ito. Tinitigan ko nang maigi yung oras.

 

 

Aba, 6:50 am na! Malelate na ako!

 

Nagmadali akong magbihis at kinuha na yung bag ko at patakbo na ako palabas ng bahay.

 

"Di ka na kakain Des?" tawag ni mama sakin.

"Di napo ma! Sa school napo ako kakain!"

"Mag-ingat ka anak!" at binilisan ko lalo ang takbo ko.

 

KRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGG!

Abot pa, abot pa, abot pa, abot pa, abot pa.......YES!

"Pasalamat ka Desiree at 7:14 pa lang." sabi ng guard sakin.

"Salamat po kuya." at nagmadali na akong pumanik papuntang classroom. Pagpasok ko nagkakagulo pa yung mga kaklase ko. Maiingay pa rin sila. Syempre, may sari-sarili silang mundo pero nung pagpasok ko tumingin sila sakin at humirit si Kyle, ang pinakamakulit sa klase namin.

"Aba, nalelate din pala si Deedee no!" sigaw niya at tumawa naman silang lahat. Nakitawa din ako at umupo sa upuan ko. Lumapit naman agad si Rhianne sakin.

"At bakit ka nalate aber?" tanong niya tapos yung kamay niya nasa bewang pa.

"I overslept." sagot ko sa kanya.

"Bakit ka naoversleep?" at nung sasagutin ko na yung tanong niya pumasok na yung homeroom teacher namin. Nagsibalikan na yung iba sa sari-sarili nilang upuan at si Rhianne umupo na sa tabi ko.

"Good day class!"

"Good day Sir Mark!" sagot naman naming lahat.

"Today, I'm going to introduce to you a new classmate. I know it's kind of late since it's already August but due to certain circumstances, he was only allowed to go to school this month. Let me present to you...."

"Sana gwapo siya. Pero wala pa ring tatalo kay Dariel" bulong ni Rhianne sakin. Tumawa ako nang mahina sa sinabi niya pero yung momentaring happiness na yun nawala nang pumasok yung bago naming classmate.Humarap siya saming lahat at ngumiti.

 

"Hi guys. My name is Alexander James Dimaculangan-"

"Ikaw!" sigaw nung isa sa class namin. Aba, may nakakakilala pala dito sa lalaking ito maliban sakin. Teka, bakit ako yung nakatayo?

"Des, you know each other?"

"Ah-uhm, sir...actually..." at kinurot ako ni Rhianne sa tagiliran. Napatingin ako sa kanya ng masama pero yung tingin niya alam mo yun...Nakakatakot. Parang galit siya na takot na hindi maintindihan. Siguro naiisip niya na nagkakilala kami dun sa club e supposedly secret lang yung pagpunta namin dun. "No sir. I just thought...."

Tumawa naman lahat ng kaklase ko pero tinignan ko siya, ang lalaking walang ginawa kundi iritahin ang buhay ko. Malungkot yung mukha niya at tumingin siya sa sahig. Bakit kaya?

Matapos nung kaguluhan tungkol sa kanya. Umupo siya sa likod at instantly naging isa siya sa mga maiingay na tao sa klase. Typical. Umusad yung oras at lumipas din yung mga subjects hanggang sa pareho kami ni Rhianne na nakatingin na sa orasan. 5....4.....3.....2.....

KRRRRIIIIINNNNGGGG!


"RECESS NA!!" sigaw ng mga kaklase namin. Pagkaring na pagkaring ng bell, hinila ko agad si Rhianne at nagpunta sa c.r.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Cast

Hwang Mi Heeas Desiree del Antonio
Kang Min Hyukas Alexander James Dimaculangan
Lee Seung-Hyunas Dariel Cruz

Who's Reading

otakusamkawaii nOiisynx GreatKai34 DoReMiFayeah YoniPat

Recommended

Marry me my Princess ( TPIMS 2)UNDER THE SAME ROOF [SLOWUPDATE]Boys,boys,boys.LOVES STORY NA MALANDI :) ^_^