XXX. Lantern (Kathryn)

20.5K 266 34
                                    

"Lola, nakita niyo po ba si Daniel?"

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Mataray na tanong ni lola. Nakahiga siya sa kanyang kama at kasalukuyang naglalaro sa kanyang iPad. As usual. At para bang lamig na lamig si lola sapagkat balot na balot siya sa comforter. "Diba, ikaw ang girlfriend? So bakit ako ang tinatanong mo? Hanapan ba ako ng nawawalang tao? Duh, Kathryn! Common sense, please."

Pusang gala! Nakakafrustrate naman 'to. "Lola naman!" Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang frustration. Grabe! Kakaayos lang namin ni Daniel pero missing in action siya. Sobra ko kaya siyang namiss. "Nasan po ba kasi si Daniel? Sumagot naman po kayo ng maayos!"

"Yes naman, paiyak na ang apo ko."

HINDI AKO 'PAIYAK NA'! UGH!!!

"Pusang gala naman lola! Umayos kayo!"

Narinig ko ang mahinang tawa ni lola. Shemay naman. Itinigil niya ang paglalaro sa iPad at naglakad siya palapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na naka-cocktail dress si lola. Tumingin ako sa paa niya at naka-high heels pa siya. Hanep! Nawala sa isip ko si Daniel sapagkat ngayon ko lang nakita si lola magdamit ng ganito. Feeling teenager si lola. Shemay lang. Tinap ni lola ang braso ko at binigyan ako ng makahulugang ngiti. "Ang drama mo naman, apo. Akala mo naman may namatay. Makikita mo rin si Daniel mamaya. Ikaw kasi! Galit-galitan ka pa sa kanya tapos namiss mo pala ng todo! Kalurks!" Pacute na sabi ni lola.

Napapalo nalang ako sa noo.

Sino naman ang nagturo kay lola ng salitang kalurks?

Shemay! Kalurks!

"Lola, ano bang meron? Bakit ganyan ang suot niyo? At ano po bang pinagsasabi niyo? Mababaliw na po ako sa inaasta niyo, eh." Aniya ko.

"Ang OA mo talaga, apo!" Saad ni lola at hindi na ako pinansin.

Binuksan niya ang napakalaking kabinet sa kanyang kwarto. Mga damit niya ang laman ng kabinet na ito. Para bang may hinahanap siya doon at hindi ko alam kung ano.

At ayaw ko na sa kwartong 'to kasi mababaliw ako kapag kinausap ko pa si lola. Wala akong makuhang matinong sagot. Shemay!

"Lola, hahanapin ko nalang po si Daniel!!" Sigaw ko.

Nakadalawang hakbang na ako palabas ng kwarto ni lola ngunit narinig ko siyang sumigaw. "TEKA LANG, APO!!! NAKITA KO NA ANG SUSUOTIN MO!! BUMALIK KA DITO!!"

Susuotin ko? 

Wala naman akong pupuntahan, ah! Hindi ako bumalik sa kwarto ni lola. Sa halip, pinagpatuloy ko ang paglalakad. Palayo kay lola! Hay, Daniel, nasan ka ba?

"Ooops, teka lang!" Nahawakan ni lola ang braso ko. Ilang taon ba 'to si lola? Para namang ka-age niya lang kami kung umasta siya. Seryoso. "Ito ang susuotin mo mamayang hapon!" Masayang wika ni lola habang pinakita sa akin ang isang dress.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon