Chapter Twenty Three - Her Darkest Secret

361K 2.7K 107
                                    

Chapter 23




Pabalik na sila ng Maynila ng tinanong siya nito kung may pupuntahan pa ba siya. Nang lumabas siya ng banyo kanina ay wala na ito sa loob ng kwarto, she saw him talking with Jack at the beach. Nang umuwi na sila ay hindi na niya ito pinansin, ganun din ito sa kanya. They were obviously avoiding each other.

“Yes. Pupunta pa ako sa Oregon. Pwede ka nang bumaba sa Escala and I can drive myself from there.” The way she said it was so… not her at all. Para siyang robot, walang emosyon. Hindi na siya nito sinagot at nagpatuloy na ng pagmamaneho. She felt tired. She yawned and stared outside her window.

So much has happened today. She was given her own car, met the Hontiveros Clan, met Kristina, and had a heated argument with Greg. She was so overwhelmed with mixed emotions that she didn’t realize that she fell asleep.

She was woken by a faint tap at her face. “Gabrielle. Wake up. We’re here.”

She opened her eyes and fought so hard not to close it again. Pagtingin niya sa labas ay nakita niyang nasa tapat na pala sila ng Oregon. Nilingon niya si Greg. “Give me ten minutes.” She said coldly. Not waiting for a reply ay bumaba na siya ng sasakyan at dumiretso sa loob ng building.

“Ma’am Gab! Akala namin di ka na darating! Alas onse na kasi eh!” Bati sa kanya ng isang binatilyong construction worker ng makita siya.

Ngumiti siya dito. “May pinuntahan lang ako, Adong. Pasensya na kayo kung natagalan ako. Pwede na kayong umuwi lahat. Baka maabutan pa kayo ng hatinggabi sa daan.” Sabi niya sa mga construction workers na agad namang kinuha ang mga bag at nagpaalam sa kanya.

“Sige po, Ma’am Gab. Bukas nalang namin tatapusin ‘tong tiles. Nasa third floor po si Sir Bruce. Kaninang umaga pa nga ‘yon init ang ulo eh. Siguro ho dahil hindi niya kayo nakita.” Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito.

Bruce was her interior designer/architect. Inirekomenda ito sa kanya ni Kyra nang naghahanap siya. He was probably one of her ex-lovers. Tinungo niya ang third floor, which was now a function hall. Ang laki na ng pinagbago ng Oregon Building kahit sabihing one and a half week pa lang iyon sinimulan. Pagdating niya sa third floor ay nakita niyang nakaupo sa isang monoblock si Bruce at kunot-noong binabasa ang isang papel.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon