REUNION (one shot)

3.1K 131 30
                                    

Lheslee  Orozco's Narration

________

Umupo ako sa tabi niya, lumipat siya. Binigyan ko siya ng snack tinanggihan niya, kinuha nga binigay naman sa iba

nag-confess ako, tapos bigla namang umepal bestfriend ko

Kanina nag-confess ulit ako at sinigurado kong wala si Nate (bestfriend ko) : "Soy gustong gusto kita, mahal na nga e. Alam ko nakakairita na ako pero mahal mo ba ako? o kahit gusto man lang (_ _)" 

alam kong ang kapal ng mukha ko para itanong sakanya yun, pero KASALANAN KO BANG YUN ANG LUMABAS SA BIBIG KO? KABADO E! Hindi na nga ako makahinga dahil sa pabango niya. Pero after kong marinig ang sagot niya ay para bang naubusan ako ng oxygen.

eto lang naman kasi naging sagot niya

"Oo, nakakairita ka, at hindi kita mahal"

_______________________________________

"ano ka ba naman Lhes! wag mo masyadong damdamin sinabi ng Soy na yan! maganda ka naman kaya humanap ka nalang ng iba, marami diyan sa tabi tabi. TULAD KO! dejoke lang, baka seryosohin mo at patulan mo talaga ako. hahaha. hindi kita type" sabi niya sabay himas sa ulo habang tumatawa

"E ba't tuwang tuwa ka pa? Diyan kana nga! NAPAKABUTI MO TALAGANG KAIBIGAN!"tsaka na ako nag-walk, kung bakit kasi sakanya pa ako nagkwento! kaasar talaga!

pagka-uwi ko ng bahay, iyak lang ako iyak. OA ba? pero kasi mahal na mahal ko siya, and take note first time este second time kong mag-confess sa isang lalaki since siya lang naman ang taong minahal ko for almost 4 years. Korni pero totoo

tapos mamayang gabi graduation na namin, kaya mas lalong wala na akong pag-asa dahil magkaiba ang course namin

___

Naiaboy na ang diploma kaya nagsisi-iyakan na sila, naki-iyak narin ako dahil syempre di ko na makikita si Soy.Si Nate ayun pangiti-ngiti lang, di ko nga alam kung bakit ang saya niyan e. Siguro dahil naka-graduate siya kahit twice a day lang pumasok

___

Pag-uwi ko ng bahay, todo emote padin ako nang biglang may nagtext.

sigurado igigreet lang ako nito ng Happy Graduation, kaya di ko nalang pinansin.Buti sana kung happy.

maya maya, may tumatawag naman , pagtingin ko si NATE lang pala. -o-

"bukas! 7pm may Reunion daw ang batch natin nung grade 6 :)"

"weh? bat ngayon mo lang sinabi? hindi ako pupunta! malaki eyebags ko! Nakakahiya naman"

"Okay lang yan! Nandoon si Soy, yieee. pupunta kana? sige na pumunta kana!"

"sige na nga, mapilit ka e, san ba yan?"

"sa blah blah blah resort"

"naks! sosyal! teka paano yung foods? yung entrance--"

"may nag-volunteer na ng lahat ng yun! libre tayo! hahaha" kaya naman pala gusto niyang pumunta

___

dahil ayoko naman magmukhang atat ay medyo nagpalate ako ng 15 minutes so 7:15 pm nakapasok na ako ng Resort

pero dahil Filipino time, ni isa sa mga kaklase ko noong elementary ay wala akong makita, tanging waiters lang ang palakad lakad

naisip ko tuloy, baka maling resort napuntahan ko, ang bongga kasi, sobrang pinaghandaan talaga, sa pagkaka-alala ko, wala naman akong classmate na ubod ng yaman dati, kaya paano niya ma-aafford lahat ng 'to?

REUNION (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon