Chapter 43: War & Wary

4.7K 149 86
                                    

Yenn's POV


Fourth day na ng Dead Festival and yes, ito na naman ako't naglalakad sa campus para tignan ang schedule board.

Natanaw ng mga mata ko si Xyril na nakaupo sa black bench. May isang chinitang nakaupo sa lap niya habang may inaakbayan naman siyang Indonesian girl.

Napailing na lang ako sa nakita. Bigla naman akong nahagip ng paningin niya, so I stared back and raised an eyebrow. Without breaking eye contact with me, he whispered something to his girls. Hindi ko na lang 'to pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa schedule board.

8:00am - 8:30am - Free time
8:30am - 9:00am - Clan War (Finals)
9:00am - 9:10am - Short break
9:10am - 9:40am - Individual Battle (Finals)
9:40am - 10:00am - Free time / Visiting of booths
10:00am - 1:00pm - Clearing Game
1:00pm - 3:00pm - Free time

Nilabas ko ulit ang phone ko para kuhanan ito ng picture. Tsk. Maya-maya lang din pala ay magsisimula na ang Clan War. Buti na lang nakakain ako kaninang umaga kaya hindi ko na kailangang kumain ngayon.

I almost jumped in surprise when somebody held my waist. Lumingon ako para makita kung sino 'yon, only to see an annoying frog grinning stupidly wide at me. And then of course, I had to roll my eyes.

Ayan na naman po ang prinsipe. After ng mga nakakaloka't nakakawindang niyang banat at gawain, lalapit siya sa'kin and act like nothing happened. Palagi na lang. Tss. Ewan ko ba rito, may sapi yata!

"What?" I asked, annoyed.

Ngumuso naman siya na parang pumipigil ng ngiti, "sungit."

"Ngayon mo lang nalaman?" sabi ko at medyo inilayo siya sa akin.

"Alam ko, but it still amazes me until now."

"What's even amazing about that?" mas masungit kong tanong.

He chuckled and asked, "meron ka ba?"

"You know what, Xyril? If that's one of your lame playboy pick-up lines, save it for other girls who are stupid enough to play with your games. It's useless and not effective on me. Quit it." Iniwanan ko siya roon.

Kaso, ano pa bang aasahan natin sa isang Andrio Xyril Escudero? Duh! Malamang sinundan ako ng palaka.

"Huh? Kahit kailan hindi kita pipick-upan 'no," kunot noo niyang sabi nang nakasabay siya sa paglalakad ko.

Hindi ko alam pero nainis ako. What?! Bakit hindi? Ganun na ba ako kapangit? Ugh. Now what, Rianne?! Ikaw nagsabing tigilan niya ang pangpipick-up lines sayo tapos ngayong sinabi niyang never niyang itatry sa'yo yun naiinis ka!

Tsk. Right. Hindi niya talaga dapat ako landiin kasi wala namang effect! I'm not one of his girls. Ew, kacheapan! Hindi niya ako madadaan sa pick-up lines niya 'no, so wag na dapat siyang mag-aksaya pa ng oras sa'kin dahil wala lang ding patutunguhan.

Eh pero bakit naiinis ako?!

Ugh. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Bwisit!

Xyril suddenly pulled me closer and whispered, "I'll win your love through fire and water, not just with overused pick-up lines. You're different, Yenn."

ASDFGHJKL That's it!

Hindi ko na magets ang bilis ng takbo ng mga bakulaw sa dibdib ko kaya hinila ko ang kamay ko at binilisan ang paglakad. Oo, dibdib. Hindi ko masabing p-pus—ekk! Hindi ko talaga masabi. Kadiri. Just the idea alone drives me insane. Ano bang problema ng mga bakulaw na 'to?! TSS!

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon