Kabanata 23&24: Isang Bangkay At Mga Pangarap

65.4K 124 16
                                    

                                           

                                         Kabanata 23: Isang Bangkay

Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama.  Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng Sta. Clara.  Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante.

Si Basilio ay di din nanonood.  Nagrerepaso siya sa bahay.  Hindi na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa pagkakaalila.  Pinag-aralang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na noon ay lalong naging mahirap pakibagayan.  Kung minsan ay mahal na mahal nito si Basilio at kung minsa’y nilalait.  Pabigat nang pabigat ang karamdaman nito.

Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o nasa paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda.  Si Simoun at si Padre Irene lang naman ay walang itinatagubilin kay Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa pag-aalaga.

Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun.  Mula nang magkita sila sa San Diego ay noon lamang sila nagkaharap.  Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malubha, ani Basilio.  Malala na raw ang kalat ng lason sa katawan.  Tulad daw ng Pilipinas, ani Simoun.

Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa pamahalaang Kastila dahil ang hindi kakampi sa kanila ay ituturing na kaaway na dapat patayin.  Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara mula sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod.

Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si Maria Clara.  Naroon siya sa kumbento upang makibalita kaya niya nabatid.  Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa niyon kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria Clara.

Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun.  Nawala sa pag-aaral ang isip ni Basilio.  Ang naglaro sa isip ay ang kahabag-habag na buhay nina Ibarra at Maria Clara.

                                              Kabanata 24: Mga Pangarap

Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta.  Handang-handa si Isagani sa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi.  Panay raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa.  Kaya raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani.  Si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez.  Nagkatawanan ang dalawa.

Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan.  Nais ni Isagani na sa nayon manirahan.  Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon.  Bago raw niya nakita si Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya.  Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at natiyak niyang ang kulang ay si Paulita.

Nguni’t ayaw ni Paulita na tumungo roon.  Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik.  Ang ibig niyang paglalakbay ya sa pamamagitan ng tren.

Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galing sa digma.  Sa huli’y ni walang pumapansin.  Nguni’t kay Simoun ay nabahala ang marami.  Iba na raw ang mayaman, ayon sa binata.  Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya.

Dumating sina Paulita.  Nginitian nito si Isagani.  Nangiti na rin ang binata at napawi ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa dalaga.  Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang itanong sa kanya ni Donya Victorina kung nakit ang binata ang pinaghahanap na asawang Kastila.  Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan sa nayon (kay Padre Florentino) nagtatago si De Espadana.  Sinabi ng donya na nais niyang mag-asawa uli.  Nagtanong pa ang donya kung ano’t pakasal siya kay Pelaez.  Ang pilyong Isagani naman ay namuri pa sa kinaiinisan niyang kamag-aral.  Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap.  Kung matutuloy lang naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si Juanito.

Ang Buod ng "El Filibusterismo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon