HWS III

11.2K 265 23
                                    


Hi! dedicated to sayo. Thank you for your support :>

-Makalipas ang 6 na taon-

-Chris-

"Kamusta na yung pinapahanap ko sayo? may balita na ba?"

Yan ang bungad ko kay Mike, ang detective na hinire ko para mahanap ang asawa kong si Shane.  Dalawang taon na nang malaman kong hindi ko pala anak si Ciara, ang anak ni Aira. Di ko nagawang ipa DNA ang bata dahil kailangan ko rin itong irespeto. Pero habang lumalaki ito'y napapansin kong wala itong nakuhang katangian ko, ang nakuha lang nito'y ang mga mata ni Aira kaya naman napag isipan kong ipa DNA ko ang bata nang walang sinasabi sa ina nito.

Hindi na ako nabigla nang lumabas sa resulta ang NEGATIVE. Anak ito ni Aira sa ibang lalaki dahil hindi lang pala ako ang naging karelasyon nito. Pinalabas nya lang na anak ko ito upang hindi mapahiya sa mga magulang niya. Nang sinabi ko sa kanya ang nalaman ko'y agad na akong nakipag hiwalay sakanya. Sinayang ko ang 4 na taon na dapat ay kasama ko Shane kung hindi lang ako nagloko.

Sa 6 na taon ay hindi ko tinigilan ang paghahanap sa kanya. iba ibang detective na ang kinonsulta ko ngunit agad silang sumuko makalipas ang 6 hanggang sa 1 taon maliban kay Mike. Kaibigan ko si Mike noong kami ay hayskul pa lamang. Isa ito sa mga nagtangang nanligaw kay Shane noon ngunit hindi ito pinansin ng asawa ko dahil sakin, sakin na walang ibang ginawa kundi saktan at pahirapan ang aking asawa.

"Tol. Nahanap ko na kung nasaan si Shane, pero alam kong hindi mo magugusthan ang nangyari sa asawa mo."

"Ako na ang hahanap sa kanya. ibigay mo sakin ang address"

Galing Maynila ay agad akong bumyahe papuntang Nueva Vizcaya, sabi ni Mike nandito si Shane kaya hindi na agad ako nag aksaya ng oras. Nalaman ko kay Mike na wala itong koneksyon sa mga magulang niya, isang bagay na lalong nagparamdam sakin ng awa, lungkot, at guilt.

Napaisip ako kung paano sya nabuhay? pano nya nakayanang mabuhay ng 6 taon nang walang pera? walang tirahan? walang kasama? hindi ko maiwasang kabahan din dahil sa mga katagang iniwan Mike

 'Alam kong hindi mo magugustuhan ang nangyari sa asawa mo"

may bago na bang mahal si Shane? Hindi. alam kong mahala niya ako at alam kong imposibleng palitan niya ako sa puso niya

-e pano kung may ibang lalaki syang nahanap na magmamahal sa kanya ng totoo? ng buo? ng tapat?


Sa ideyang iyon ay hindi ko maiwasang manlumo. pano kaya kung ganon nga ang nangyari? Huli na ba ako? Hindi ko na ba mababawi ang asawa ko? Eto na ba ang karma ko? Eto na ba ang kapalit ng kalayaang hinigi ko noon sa kanya?

Hinawakan ko ng mahigpit ang kahon sa nakita ko noon sa attic makalipas ang 6 na taon. Ang kanyang wedding ring. ang singsing na ako mismo ang nagsuot sakanya sa araw ng aming kasal sabay ng pangako ko sa kanyang MAMAHALIN KO SYA PANG HABANGBUHAY.

 

 

Itinigil ko ang sasakyan nang maramdaman ko ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Ang tanga ko, ang gago ko, walang kwenta ako. walang tigil kong hinahampas ang manibela. Wala akong pake kung maraming tumingin sa gawi ng sasakyan kong busina nang busina. Ang gusto ko lang ay makita ko uli ang asawa ko.  Ang taong mahal na mahal ko.

May narinig akong kumakatok sa bintana ng sasakyan ko.tiningnan ko kung sino ito. Imbes na bulto ng tao ang makita ko ay nakita ko ang dalawang maliliit na kamao na pilit kumakatok sa bintana ko.

pag bukas ko ng bintana ay dumungaw ako at tiningnan ko ang may ari ng maliliit na kamao. Nagulat ako ng makasalubong ko ng tingin ang pares ng mata na kapareha ng akin.

''May problema po ba kayo? Bakit ka po umiiyak?"


Bumalik ang tingin ko sa dalawang batang magkamukha na nasa harapan ng bintana. Hindi maitatanggi na kambal ang mga ito. Base sa mga suot nito ay masasabi kong galing ito sa mahirap na pamilya. Nakauniporme sila, ang palda ng batang babae ay hindi naplantsahan pati narin  ang blouse nila ng kambal nitong lalaki. Masasabi kong ang ganda ng lahi nila. Parang may kamukha sila di ko lang maalala kung sino.


Sa tagal kong pag iisip ay nakita ko ang kambal na nakatalikod na at naglalaad palayo. Napangiti ako nang maikita ko silang magkahawak ng kamay. Hindi o alam kung anong sumapi sa akin at in iwan ko ang sasakyan ko at sinundan ko sila.

***A/N:

sorry po :) di o alam na may nagbabasa din pala nito. salamat po. 2 or 1 nalang pong part matatapos na po ito. salamat po uli :)

Galaxies.Cielooo<3

His Wife's SufferingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon