Kabanata 3&4: Ang mga Alamat At Kabesang Tales

135K 332 52
                                    

                                            Kabanata 3: Ang mga Alamat

Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta.  Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan.  Dumating si Simoun.  Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor.  Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun.  Isinalaysay ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato.  Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu.  Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.

Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima.  Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento.  May magkasintahan daw sa Espanya.  Naging Arsobispo sa Maynila ang lalaki.  Nagbabalatkayo ang babae.  Naparito at hinihiling sa Arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila.  Iba ang naisip ng Arsobispo.  Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.

Nagandahan si Ben Zayb sa alamat.  Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba.  Tinanong ni Simoun si Padre Salvi: Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang Arsobispo, ayon kay Padre Salvi.  At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng Intsik ang santo.

Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.

Itinuro ng Kapitan.  Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatalong taon matapos mangyari iyon.  Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla.  Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb.  Nagtawanan ng iba!  Si Simoun ay namumutla at walang kibo.  Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakabay.

                                          Kabanata 4: Kabesang Tales

Si Tandang Selong ang umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na.  Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang Kabesa de Baranggay.  Yumaman ito dahil sa tiyaga.  Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid.  Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan.  Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahan nito.  Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle.  Pinabuwis si Kabesang Tales.  Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis.  Di na nakaya ni Kabesang Tales.  Nakipag-asunto sa mga prayle.

Matigas ang sabi ni Kabesang Tales.  Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa.  Wala.  Naging kawali si Tano.  Di ibinayad ng kapalit ang anak.  Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga (si Lucia) sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak.  At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni Tano, ako’y bumabayad sa abogado.  Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya’y mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na kailangan ang anak.

Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid.  Lagi siyang may pasang baril.  Di makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril.  Nagdala siya ng gulok.  Balita sa arnis ang kabesa.  Ipinagbawal ang gulok.  Nagdala siya ng palakol.  Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos.  Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio.  Hindi rin nakasapat ang panubos.  Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan.  Noon ay bisperas ng Pasko.  Kinabukasan, Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila.  Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.

Ang Buod ng "El Filibusterismo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon