Update 25//

95.1K 1.1K 30
                                    

A/N:


Ako'y sobrang nagagalak dahil mamayang gabi lang ay mapapanuod na ang first ever kiss nila Kath and DJ sa tv sa Gandang Gabi Vice. Kaya nuod tau ng Gandang Gabi Vice later! :*


Pakibasa naman ang one-shot story ko KATHNIEL siya--> Click the external click!

HAPPY HAPPY BIRTHDAY SA ISA SA MGA PINAKAMAGANDANG SISTA KO SA WATTY! Let's Welcome....RHIAN RAMOS! Este Rhian/Dreamsandfantasies.


Sa may baba po... May special annoucement po ako about sa updating dito sa story. Pakibasa, thanks! <3


Update 25//

 

AUTHOR’s POV (NARRATION)

 

Habang hinihintay ni DJ si Kath para nga sabay silang umuwi at maipakilala na ni Kath sa mga magulang nya. Nakaupo lang si DJ at hindi maialis-alis ang ngiti sa mga labi nito, nang biglang may tumawag sakanya.

“Pare.” Si Enrique. Sinikap ni Enrique na hindi magmukhang kawawa habang kaharap nya si DJ.

“Oh…Pare! Kumusta?” Dahil nga sa likas na masaya si DJ, nakalimutan na nya lahat ng problema. Ngumiti lang ng pilit si Enrique.

“Ayos lang. Kumusta na kayo ni Kath?” Pinilit ni Enrique na kumalma lang. Kahit gustong-gusto na nyang saktan si DJ.

“Ayos na kami, sa totoo nga kami na.” Sobra sa sayang pahayag ni DJ.

Ikinabigla naman ito ni Enrique, dahil wala pa mang sinasabi sakanya si Kath. Kaya hindi na nya napigilan ang sarili nya sinuntok nya ito.

“A-ano ba?!” Gulat na sigaw ni DJ kay Enrique. Hindi magawang gumanti ni DJ. Dahil alam naman nyang nasasaktan si Enrique, dahil dun sa katotohanan na sila na. Napaupo na lang si DJ sa may bench. Hindi naman masyadong masakit ang pagkasuntok ni Enrique sakanya, walang dugo.

“Ipanalangin  mo na sana hindi na nya malaman… Isang beses mo pa siyang paiiyakin, aagawin ko na sya sayo ng tuluyan.” Hindi na napigilan ni Enrique ilabas ang SELOS nya.

CRAZY LOVE STORY (KathNiel) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon