Chapter 22. The Greater Scheme Part 2

2K 83 64
                                    

NAKARAAN!

Isang lalake mula sa kanyang nakaraan ang kumausap kay Mr. G. Ito ang kanyang dating kapitbahay, ang leader ng Talaba Boys na si Joevito 'Jobs' Lapuz.

Natanaw nya itong palabas ng banyo, nang makalayo na ay tumungo na sya sa opisina ni Mr. G.

Napansin nyang mukhang iritable ang matanda, tila nagwawala sa hangin.

"Sir. What happened?" pambungad ng bida.

"They're from Stinger Corp. Those are the assholes whose gonna take over." entrada nito bago yayain pumasok si Arch sa kanyang opisina.

"And that doofus is the one whose gonna replace me. Nakausap na daw nila ang University Board. Finafinalize na lang ang paper works and I'd be out of here in no time."

"Sir, I hate to be selfish but would you mind explaining it to me? What the hell is Stinger Corp? And where did they get that guy?" frustrated din namang tanong ng bida.

"It's none of your business. There's a greater scheme happening. So don't bother. You can go now. You're relieved of your duties-"

Nagpintig ang tenga ni Arch, hindi pa man tapos magsalita ang kausap ay gumatong na ito.

"SIR G! I KNOW HIM! So I need some answers! I can help!" mataas ang boses na paliwanag nya.

"Sir please... This "greater scheme" conspiracy is killing me for years! I know you know something! Help me out here." dagdag pa ni Arch.

"How'd you know him then? Explain yourself." unconvinced na sagot ni Mr. G.

Kaya walang pag-aalinlangan ay pinaliwanag nya ang nakaraang ayaw nya nang alalahanin.

Ang hiwaga ng Mineral Village. Ang Talaba Boys. Ang kanyang pagka-Siga. Ang "pwersa". Ang Yin/Yang Symbol. Ang pagkasunog ng kanilang bahay. Ang Siopaoan malapit sa dating paaralan. Ang peklat sa kanyang mukha.

Ang lahat ng sikreto nya ay ibinunyag sa matanda.

Napabuntong hininga na lamang si Mr. G. at napangisi-

"What?! Are you telling me I'm supposed to buy this?"

"Sir, I know it's hard to believe it. Even I didn't get it at first. But please. Just have faith, for once in your life have faith!" sagot naman ni Arch.

"How dare you mock me? You don't have the right to mock me! As far as I'm concerned you're just a good for nothing wannabe who wants to follow my footsteps!"

"Me?! I'm the wannabe?! At least I'm not living in the past! Move on Sir! Your glory days are over! You're just a shell of the man that you once were!" lapastangang pagsagot ni Arch, dahil hindi sya mapaniwalaan nito.

"Damn you! You Ungrateful bastard! You're fired!" dinudurong sabi nya sa bida.

"You can't fire me! Coz I quit!" Galit na galit ding umalis ito ng kwarto at padabog na binalibag ang pintuan.

**********

Lumabas na sya ng kwarto ni Mr. G. Sa dala na din ng emosyon at pride ay nagkasagutan sila ng matanda. Nais nya mang tulungan ito ngunit pinagtawanan lamang nito ang sikreto nyang kinikimkim ng mahigit ilang taon. Kaya minabuti na lamang ni Arch na kalimutan ito, at hagilapin ang mga kaibigan.

Sa paglilibot sa Campus, nakasalubong nya ang babaeng nililigawan ng kanyang kaibigan. May kaliitan, halos hanggang balikat lamang ng bida. Maigsing buhok na lagpas batok. Malalaking bilugang mata at sa araw na ito, nakasuot sya ng reading glasses for fashion purposes.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon