Chapter 12. Sophomore Slump

2.4K 104 67
                                    

BAGO!

Bagong mga kaklase. Yan ang tumambad kay Arch sa unang araw nya sa pangalawang taon nya sa High School.

Mga bagong Patay na Bata na wala namang magiging puwang sa istorya, Dalawang Lalakeng Kambal na ang isa ay apparently Basketball Star Player noong elementarya pa lamang at ang isa naman ay Notorious na Basagulero sa kanilang compound.

At ang nag-iisang Rosas sa mga Tinik.

Ang babaeng may magandang aura ng mukha, napaka-aliwalas. Mapupungay na singkit na mata. Mahahabang pilikmata. Matapang na tangos ng ilong. Namumulang mga pisngi kahit walang kolorete sa mukha. Labi na tila hugis puso.

Magandang hubog ng katawan, kahit sa murang edad ay makikita ang mala- Coca Cola Bottle na korte ng katawan nito. Abot bewang ang buhok nito. Medyo may kaliitan, siguro ay abot sa balikat ni Arch.

Napalingon sya sa pagbati ng bida.

Bago pa man bumuka ang bibig nito ay-

"Good Morning Class! Sorry kung na-late ako. I'm Miss Suarez, your Class Adviser." entrada ng isang dalagang teacher, mukhang kinakabahan pa.

"Bago nga pala akong teacher dito sa Pecularis and this is my first teaching job." dagdag pa nito habang binubulatlat ang kanyang blankong class record.

Sa kabilang panig naman ng classroom ay napatulala na lang si Arch. Hindi man lang nagsalita ang kanyang katabi, binaling ang atensyon sa harapan at tila ba seryosong nakikinig sa bagong dating na guro.

"So class, First day pa lang-"

Alam nyo na siguro ang gagawin nung teacher. First Day of Class Cliche, ang walang kamatayang "Introduce Yourselves."

So classic routine Yada Yada Blah Blah Blah.

Susunod na si LeBron James the Second, ang basketball prodigy. May katangkaran, hanggang tenga ng bida. Tindig pa lang astigin na. Medyo bad boy effect.  (dahil lahat ng High School kailangan ng #medyobadboy)

"I'm Andre Buhawi, kilala nyo na siguro ako." sabay smirk sa kanyang mga kaklase.

"Pero sa mga hindi pa nakakakilala, I lead my old school back to back championship nung aking elementary days. Kaya ngayong nandito na ako nag aaral, Magchachampion na ang T.U.P.A." sabay ngiti at balik sa kanyang upuan.

"Welcome sa Pecularis then. And you sir?"  turo ng guro sa kakambal ni Andre.

Dahan dahan namang lumakad ang kapatid ng unang nagpakilala. Semi-kalbo. Mukhang matapang. Nakikita ang tila ba galit sa malaki nitong mga mata. Maaaninag din ang ilang galos at peklat sa mukha, nakuha siguro sa pagkikipagbasag ulo.

"Ako si Alexis Buhawi. Kakambal ni Andre." yun lang ang sinabi nito at balak ng bumalik sa kinauupuan.

"Wait? That's it? Ipakilala mo-"

hindi pa tapos ang sinasabi ay cinut nitong siga-sigaan ang guro.

"Wala na ako masabi." sabay tuloy ng lakad pabalik sa kanyang pwesto.

Nagulantang si Ms. Suarez. Hindi na lang nya ginatungan pa dahil mukha ngang bayolente ang bata.

"Okay next. Ikaw? Yung matangkad sa may likuran." pangiting utos nito kay Arch.

Lumakad na din sya paharap. At tila ba mas tumangkad sya nitong bakasyon. Kaya napatingin pa din ang kanyang mga kaklase dahil napaka-memorable pa din ng "First Day Nosebleed" nya noong nakaraang taon.

Siga Ng Universe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon