Chapter 39

2.4K 64 47
                                    

Chapter 39

Nagising ako nang naramdaman kong tumama sa mukha ko ang sunlight galing sa bintana. Pinikit ko yung mata ko at bumalikwas ng higa. Ayaw ko pang magising. =__=

Pero dahilan siguro na may sariling utak ang katawan ko, hindi ako makatulog. Kaya wala akong magawa kundi bumangon and tumungo na sa bathroom ng room namin para maligo. 3rd day na namin dito sa resort. Kahapon puro swimming ang naganap kasama ang barbeque and bonfire sa tabing-dagat. Napansin kong wala na sina Marigold and Abie. Naku, iniwan ako dito. For sure nagsi-swimming nanaman yung dalawang yun, parang summer lang. -______-

Based on my visions, baka makausap ko na today si Liyah, and may darating na ibang nilalang. I don't know who or what they are, basta ang nakita ko lang ay ang mga mata nilang may weirdest shade of blue-green. May ganun bang mata? O__O Iisang tao lang ang alam kong may ganung mata eh. Oh, well.

Nang matapos na akong maligo, nagbihis na rin ako. Simple lang ang suot ko, black oversized and sleeveless top, white undershirt, then shorts. Pagkatapos magpatuyo ng buhok, lumabas na ako. Nahanap ko naman agad si Aaliyah, nakasalubong ko siya on my way papunta sa kitchen. Nilapitan ko siya. May dala pa siyang mga towels.

"Liyah." bati ko. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Jean, kamusta?"

"Okay lang. Ikaw?"

"Maayos lang din."

"Para saan yang mga dala mo?"

"Ah, para ito sa mga myembro ng konselo. Kakatapos pa lang nilang maligo."

"Need help?" alok ko. Alam kong kaya niya naman pero syempre, kaibigan niya ako. And, gusto ko pa siyang tanungin. Ang daming tanong sa isip ko ngayon.

"Hmm, sige." Binigay niya sakin ang kalahati ng mga dala niya.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kung saan man niya dadalhin yung mga towels. Nakikisabay lang ako sa kanya dahil di ko naman alam kung saan talaga.

"Bakit ka pala nawala years ago?" tanong ko. Napatingin siya sakin.

"Mahabang istorya, Jean. Pag-usapan na lang natin maya-maya. I know the perfect place." ngiti niya. She's just as good in English as she is in Filipino. Pero di naman ganito kalalim ang Tagalog niya noon eh. T.T Sana maalala niyang English-speaking lang talaga ako. :))

Naglakad kami hanggang makarating kami sa pinaka-gitna nung bahay. May malawak na swimming pool doon, pero may glass door na naghihiwalay sa pool at sa bahay. Open yung pool and kita doon ang sky. At doon sa pool, may ilang lalaki na naliligo. Yung iba nakatayo sa gilid ng pool and nagpapatuyo, tapos may ilang babae. I can guess that they're werewolves, una dahil nakahiwalay sila samin and second, halata naman. :P

Hindi na ako sumama sa kanya sa pool dahil kung tingnan ako ng ilan sa mga lalaki ay, you know. Hindi ko na babanggitin basta lagot silang lahat kay Erick pag nakita niya kung paano nila ako tingnan. -___-++ Di ko pa nakikitang magalit si Erick pero nakita ko na siyang magselos noon, trust me, nakakalurky. There was this one time when we were at the mall last week, and may ilang guys na lumapit samin nina Abie and Arriane. Nandun si Erick nun dahil binabantayan niya kami, specifically ako. Then hiningi ng isa sa mga guys ang number ko. In a flash, nandun si Erick sa tabi ko and naka-smirk siya sa kanila. Pero habang naka-smirk siya, parang anytime sasaktan na niya yung mga lalaki. Mukhang natakot yung mga lalaki and tumakbo - yep, tumakbo sila paalis. Alam naman naming di yun makakasalita dahil na-blackmail na sila ni Charles, na nandun din nun kasama si Ate Isa. Gosh. Pero imbes ata na matakot ako nun eh kinilig ako eh. >//<

Back to reality. May isang lalaki na lumapit sa kinaroroonan ko. Nasa may pool pa kasi si Liyah, habang ako naman nasa loob pa, sa may glass door. Matangkad ang lalaki, pero mas matangkad pa rin si Erick (siya pa rin XD). Nasa 5'9 siguro tong lalaki, 2 inches ang tangkad sa kanya si Erick. Nasa tapat ko siya and medyo basa pa yung buhok niya. May towel siya sa neck niya and boxers lang ang suot niya. He's.. muscular, dala na rin siguro ng training and exercise nila araw-araw. Wala akong balak bilangin kung ilan pa ang abs nito. =__=

The Dhampir's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon