Chapter 22 Part 3

71.2K 1.7K 356
                                    

Date uploaded : May 21, 2014

AN. maikli lang ito.... 

Chapter 22 PART 3

Red

Pakiramdam ko masyadong mahaba itong araw na 'to, masyadong naging maraming drama. Ganito ba talaga ang mga mayayaman, masyadong maraming kadramahan sa buhay?!

Hindi ako swak sa mga taong iyon. Hindi ko gets ang mga trip nila. Pero hindi naman sila mga conyo type na talagang gusto kong ibalibag kapag binubukas ang bibig. Kung pag-iisipan mo nga ng mabuti, mababait sila at pilit na mapalagay ang loob ko sa kanila. Pero hindi talaga ako sanay na makihalubilo sa mga taong katulad nila. Sabi ng Tatay ko na bigyan ko na lang daw sila ng pagkakataong makilala namin ang isa't isa bago ko sila husgahan. Kung sabagay, may punto sya don.

Natutuwa lang ako kay Adrian, pareho kami ng trip. May kulo din sa utak parang ate nya! Nyahahaha! Pero hindi ko man lang nakausap si Alex at maghapong tulog. Sa lahat ng nakilala ko sa kanya ako palagay ang loob. E wala e, tinulugan ako. Feeling nya sya si sleeping beauty at may nakabantay pang prince charming?! Mabuti na lang at nagkalinaw na ang utang sa akin na limang milyon at ipinakita nyang trinasfer nya ang pera sa bagong account na ginawa sa akin ng tatay ko. Lalake naman palang kausap si Charles at marunong naman palang tumupad sa usapan.

Nakauwi na lahat ng gurang at pabalik na kami ni Zia sa cabin namin.

"So... Ummm... Red." Tumingin ako sa babeng kasama kong naglalakad pabalik ng cabin. Isa pa itong mala-prinsesa katulad ng soon to be kapatid ko. Napakaganda at parang hindi rin makabasag pinggan, nakakatakot hawakan baka mabasag. Pero sa tingin ko, mukhang smarte ang isang ito. Kanina ko pa sya nakikitang pinagmamasdan ako at pinag-aaralan. Kambal pala ito ni Charles. At katulad ni Chloe ay may bubuntot buntot din dito. Si Vince na hindi marunong magtagalog at kahit anong sabihin mo ay ngingiti ngiti lang kahit murahin mo! Hahaha! Grabe, ang sarap kausap!

"Bakit? Anong problema mo?"

Nginitian nya ako. Mukhang kahit sindakin ito parang hindi matitinag. Hmm... kakaiba, prinsesang may tinatagong katapangan.

"Nothing... well,, since we're gonna be living inside one roof for the next couple of years, we might as well get to know each other."

"Ha? Gusto mo akong makilala? Bakit pa? Basta doon ka sa lungga mo, ako naman sa lungga ko.. magkakasundo tayo. Walang paki-alaman."

"It doesn't hurt to have a friend you know."

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Seryoso ba to? Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy maglakad.

"yeah, Red, No man is ang island..." sabi ni Vince

May nalalaman pa itong no man's an island? Hindi naman talaga! ano ako pulo? Loko-loko pala ito e! Pasaway.. ang daming alam!

" e ikaw, saan ka pupunta? Dito ka din ba nakatira?"

He looks at me questioningly.

"She's asking, where are you going, if you are living with us in the same cabin" paliwanag ni Zia kay Vince.

"You want me to live with you? Well that would be interesting."

"Eklat mo!"

Nagtatawa naman si Zia.

Nakita naming na may ilaw na sa loob ng cabin... hehehe.... Nasa bahay na ang Annabelle na yon. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Makikilala ko na rin ang taong kinabibigatan ng loob ni Adrian. Marami syang kinuwento sa kin na ikinahawa ko na rin ng inis sa babaeng hindi ko pa nakikilala.

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon