Chapter 6

326 12 4
                                    

Chapter 6

Nakakatamad pumasok (=_______=)

Pinilit kong bumangon mula sa kama. Naligo, nagbihis at nagsuklay. Bumaba ako sa kitchen para kumain ng breakfast.

*BEEP!BEEP!*

Pumunta ako sa gate para tignan kung sino yung bumubusina. Nakita ko yung kotse ni Mor sa tapat ng bahay namin.

"Good Morning!" tapos kiniss nya ako sa cheeks, "Susunduin sana kita eh. Pwede ba?" tanong nya sakin.

"Ah..eh..Sandali lang ah? Kukunin ko lang mga gamit ko" sabi ko. Pumasok ako ulit sa bahay at nagpaalam sa maid tapos sumakay sa kotse ni Mor.

"Te-teka, hindi ito yung daan papuntang school ah" sabi ko sa kanya nung napansin kong iba yung dinadaanan namin.

"Just wait and see" sabi nya tapos pinaharurot nya yung sasakyan nya. Tumigil kami sa isang bahay na may malaking gate. Lumabas sya sa car at nagdoorbell. Bumukas naman ang gate at lumabas ang isang maid.

Nagusap sila nung maid sandali. Tumingin sya sakin tapos naggesture sya na maghintay lang ako kaya tumango naman ako. After 10 minutes, bumukas ulit ang gate at lumabas si Mor kasama si....Lori.

Masaya silang nagtatawanan habang naglalakad papunta sa kotse. Binuksan ni Mor yung pinto sa passenger seat, "Pwede bang sa likod ka?" sabi nya. Nafroze naman sandali dun tapos ngumiti ako ng pilit, "Sure" sagot ko na labas sa ilong at lumabas ng kotse.

Pumasok sa loob si Lori tapos binuksan ni Mor yung pinto sa likod. Nag thank you ako sa kanya at dali dali naman syang pumasok sa driver's seat.

Tahimik lang kami dun at walang nagsasalita hanggang sa kausapin ako ni Lori.

"Ikaw si Hillary diba?" sabi nya sakin. Ngumiti ako at tumango. "You're pretty" sabi nya at ngumiti, pero alam kong ngiti na yun ay peke =____=

Ngumiti din ako ng peke sa kanya, "Thanks. Flattered naman ako" sabi ko at ngumiti ng mapang asar. Nagbago naman yung hitsura nya at di na ako pinansin, "Ang traffic nuh?" sabi nya kay Mor. Lumingon si Mor sa kanya sandali at ngumiti lang.

"Thanks for the ride babe" sabi ni Lori at humalik sya sa pisngi ni Mor, "Mauuna na ako ah? Hinihintay na kasi ako ng mga friends ko" sabi nya at tinuro yung dalawang babae sa di kalayuan.

"Ayaw mong magpahatid?" tanong ni Mor nung nalock na nya yung kotse.

"Nope. Wag na, baka kasi kailangan ka ng friend mo" tumingin sya sakin at palihim na tinaasan ako ng kilay.

"Ok. Kita na lang tayo mamayang lunch?" sabi ni Mor, parang naalarma naman si Lori.

"Ah..eh..w-wag na..uhm..may project pa kasi kaming kailangan tapusin eh" sabi nya at ngumiti ng alanganin. Problema nya? o.O?

"Ok" gloomy na sagot ni Mor. "I LOVE YOU" diing sabi ni Lori na parang gusto nyang iparinig sakin. Kumukulo na dugo ko dito ah -____-+

Ngumiti si Mor sa kanya tapos umalis na din si Lori at sumama dun sa friends nya daw. Naglakad naman kami ni Mor papuntang building namin.

I stopped walking, "Hindi ako sanay na malungkot ka" sabi ko sa kanya. Humarap naman sya sakin at napakamot sa batok nya tapos nilagay nya yung kamay sa bulsa ng pants nya, "Hindi naman" sabi nya at ngumiti ng pilit

My Boyfriend Is The Famous Campus Gay (Mini Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon