Chapter 24

1.8K 33 18
                                    

******

A/N: Dahil may topak si Author , may mangyayaring masama sa eshtoryang itetch. Bwahahah >:D

Dedicated nga pala kay JALECholic :))

******

Chapter 24

Jai’s POV

Sinabi ko sa kanya .. Hayaan niya lang ako’ng mahalin siya .. Hindi ko naman sinabi’ng layuan niya ako ah?

It’s been a week since nung nag confess ako kay Alec.

Madalang ko na lang siya’ng makita.

Di ko na siya nakakausap pa. Di na rin siya sumasabay samin tuwing lunch at uwian. Ay di pala siya .. SILA pala.

Ewan ko ba kung gusto lang talaga niya’ng masolo si Kim. Gusto lang niyang magkamoment sila. O iniiwasan niya ako.

Feeling ko kasi nilalayuan niya ako.

:( Sinabi ko naman sa kanya diba di ko pa kaya.

Ganito pala kasakit ng mabasted noh? Ganito pala ang nararamdaman ni Alex.

Ngayon alam ko na kung pano mainlove. Pero nalaman ko din kung pano masaktan.

“Oh, ang lalim ng iniisip ah” biglang salita ni Alex sa tabi ko. Nandito kasi kami sa Cafeteria. Kumakain sila ... ako lang hindi. Wala’ng gana eh.

“Wala” matipid kong sagot.

“May sasabihin sana ako sayo Jai” mahinang sabi ni Alex.

“Ano yun?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Wag ka sanang mabibigla” paalala niya.

“Ano nga?” naiirita ko’ng tanong.

“Ahh . . Mamaya nalang” nagdadalawa niyang sabi.

“Ahh .. Okay” binalewala ko nalang. Baka di gaanong ka importante.

Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya.

Sa tingin niyo makakangiti pa kaya ako sa ganitong sitwasyon. Makakangiti pa kaya ako kung ang taong mahal ko may ibang nginingitian.

Sa tingin niyo makukuha ko pa kaya’ng maging masaya kung ang taong mahal ko ay masaya na sa iba.

Sa tingin niyo gaganahan ko pa kayang kumain kung di ko nakikita ang taong sabik na sabik ko’ng makita.

Sa tingin niyo ... lalaban pa rin ba ako?

“Kumain ka na. Ila’ng araw ka ng ganyan.” Sabi naman ni Alex.

Oo, ganito ako araw-araw.

Eh sa gusto ko eh. Eh sa gusto ko’ng mag-alala si Alec eh. Gusto ko ulit makita ang nag-aalala niyang mukha. Gusto ko’ng marinig ulit yung boses niya na sinasabing “Okay ka lang ba Jai?”.

Gusto ko’ng magkasakit. Para siya na ulit ang mag-aalaga sakin. Para siya na ang magpapainom sakin ng gamot. Gusto ko susubuan na niya ako ulit. Yung dati’ng KAMI lang, kahit friends lang kami, wala’ng sabagal. Hindi tulad ngayon.

Ang layo-layo na niya. Maabot ko pa kaya siya? Mahahatak ko pa kaya siya pabalik sakin?

Halos di ko na siya nakikita. Di na kami nag-uusap. Ni ngiti niya di ko na nasilayan pa.

Ganun na ba talaga niya kinamumuhian ang pagmamahal ko para sa kanya?

Kahit konti lang na pagmamahal, kahit as friends lang ... wala talaga?

WAAAHHH .. Mababaliw ako Payatot kung wala ka.

Kung di ko na makikita yung gwapo mong mukha.

Kung di ko na makikita yang mga mapang-asar mo’ng ngiti.

Di ba pwede'ng Friends muna? [JALEC FAnFic] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon