Chapter Three.

115 5 6
                                    

Yumuko siya at tinignan ang paa ko. Hindi naman ako nahiyang ipakita ito dahil mas makinis pa to sa kanya noh. Regular ang pagpapafootspa ko nito.

From my feet ay tumingin ulit siya sa mukha ko.

"WHAAAAAAAAAAAAT?!", sigaw ko.

"Kung iyan ang gusto mong gawin ko para patawarin mo, then, I will", sambit niya at lumuhod na siya sa aking harapan.

Dahan dahan ay hinawakan niya ang aking paa at inalis niya ang aking shoes. I felt the texture of his hand. Mukhang hampaslupang walang alaga sa sarili. Ngunit bakit hindi halata sakanyang mukha at tindig? Unti unti at linapit niya nang nilapit ang kanyang mapulang labi sa aking makinis na paa. Hndi ko alam pero bigla akong nakadama ng hiya.Hndi ako to! Iba tong naramdaman ko. Inurong ko bigla ang aking paa at nabitawan niya yon. Napatingala siya sakin at napatingin.

"Tumayo ka!", utos ko.

"I thought you wanted me to kiss your feet?"

"Nevermind."

"Sorry talaga, miss. Sorry!"

"Puro sorry nalang ba maririnig ko sayo? Look at my elbow.You made a disgusting wound on my gorgeous skin! Pano to maalis ng sorry mo? Mapapagaling ba to ng paghalik mo sa paa ko?", sunod sunod kong pagsabi.

Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin. Namental-block ako Parang nahypnotized ako sa mga tingin niya. Bakit hindi ko magawa sakanya ang mga gingwa ko sa mga taong humaharang sa mga dinadaanan ko? Sa sobrang inis ko, naitulak ko nalang siya. Mukhang hindi naman siya gumalaw sa pagtulak ko. Tinulak ko ulit siya ng mas malakas but his body didn't even move a bit again. He stood still. Hindi man lang siya napaatras kahit konti. Mukha na akong tanga kaya umalis nalang ako at nagwalk-out. Sumunod sa akin ang dalawa kong kaibigan.

"That was a fabulous scene, sis", sambit ni Lia.

"Shut up. I'm not contented with what I've done", badtrip kong sagot.

"Pero hindi mo ba siya kilala?", sabi ni Micah

"Should I?", mataray kong tanong.

"He's the guy we were talking about. The new guy!"

Napataas ang kilay ko. Natahimik at napaisip.

Right after 2 consecutive subjects, pumunta agad kami sa Principal's office. Mabilis na tumayo si Mr. Custodio, ang principal ng Luna High.

"Transfer us to Section 1", utos ko.

"What???!!!!!" gulat niyang tanong.

"Is that an interrogative answer or an exclamatory? Binabayaran ka ba dito para kwestyunin ang gusto ko? Well, nevermind. Ayokong aksayahin ang oras ko sayo. Ang gusto ko lang naman ay ilipat mo kami sa Section 1, NGAYON DIN."

"Yes, Ms Czarene."

"And next time, I don't wanna hear any interrogative sentences, phrases, or even word from your stupid mouth. Baka naman gusto mong ibalik ko sa normal ang sweldo mo? Remember, I'm the reason why you are getting triple of your regular salary monthly. Or do you want to lose your job?

"No, Miss. I'm really sorry. Okay.... Here.... Wait... Gagawa na ako ng approval letter."

Not more than 2mins. at lumabas na kami ng room na yon. Dala ko na ang approval letter na nagssbing magttransfer kami sa section 1. Kung saan nandoon ang binatang iyon na nagpahiya sa akin sa hallway. Makikita ng lalking yon kung sino ang binangga niya.

~Ano kaya ang balak na gawin ni Czarene sa lalaking nakabangga sakanya sa Hallway? Abangan sa Chapter Four...

LOVE can change everything about YOU.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon