Hindi na lang ako nagsalita para hindi nya mahalata na nagtaka ako sa sinabi nya.
Masaya si Ian ndahil nandito ako? bakit naman?
Ng pumasok na kami sa loob.
Wow, as in wow. Ang laking party nito.
Buti na lang talaga at nag semi dress ako, at least hindi ako ma-a-out of place dito.
"Let's go, pakikilala kita sa kanila" ayun!for first time, narinig ko sya na magtagalog, may pagka-slang nga eh.
Siguro hindi sya sa Pilipinas lumaki.
"Hindi po ba nakakahiya?" nagfake smile naman ako sa kanya.
She's wearing tube dress, hindi naman gaanong mahaba.
"No, of course not.. We like you to be here,so don't be shy"
gusto nila na nandito ako?eh hindi pa nga nila ako nakikilala eh. Ngayon pa lang!
May lumapit naman samin na lalaki. Ang gwapo at ang tangkad, hinawakan nya sa waist si Ate Emilie.
"You must be Ian's girlfriend. Nice to meet you, my name is Edward Sandoval. But you can call me Kuya Ed" he offers shake hands.
Tinanggap ko din naman,hindi naman ako suplada.
"Coleen" ang tipid ko talagang sumagot "Nice too meet you too"
Sandoval?? Ah, sya siguro yung asawa ni Ate Emilie kaya Sandoval ang last name nya..
So, paninindigan ko na talagang girlfriend ako ni Ian. Tutal sabi nya, just for tonight lang naman daw.
Dumating naman si Ian, at tumabi lang sakin. Ang akala ko pa nga aakbay sya sakin, buti na lang hindi. Baka kasi, alam nyo na.
himatayin ako.
"Sis, lumabas na si Mama?" nasa bulsa lang ng pants nya ang dalawang kamay nya.
"Not yet, but I think she's fine." parang nawala ang ngiti nya sa mukha.
Nag-fake smile si Ian.
"Let's go inside, kanina pa naghihintay sa loob si Dad"
Dad?parag kinabahan yata ako dun ah. Makikilala ko ang Daddy nila for the first time.
Ok lang kaya? Kinakabahan talaga ako. Bumilis pa nga ang tibok ng puso ko.
Ano ba kasing kalokohan to Ian?
Papasok na sila, at nakahawak pa rin sa waist ni Ate Emilie si Kuya Ed.
Ako naman parang ewan na ayaw sumunod ng paa ko sa kanila..
Napatigil naman si Ian at lumingon sa direksyon ko.
He smiled at me at lumapit sya sa akin.
He bend his arms at inoffer sa akin na para bang escort ko sya.
Arg! I hate this feeling. Huwag naman sa ganitong pagkakataon Coleen.
Kinikilig ka na naman kay Ian eh.
I look him in the eyes.
Wow, moment ito.
Bigla naman syang nagsalita..
"will you be my muse??"
I smiled at him at humawak na ko sa inoffer nyang braso.
Masaya na rin ako kahit nagpapanggap lang ako ngayon. Kahit na bukas hindi na kami ganito.
Susulitin ko na rin ito..
Pumasok na rin naman kami sa loob ng bahay..
Ang laking mansyon, hindi naman ganito kalaki ang bahay namin. Pero malaki ring maituturing dahil nga mayaman nga sina Mommy at Daddy.
Pero ito, as in Mansyon!
makikita mong ang mga tao, lahat mukhang mayayaman.
Binabati naman nila si Ian at pati na rin ako..
Wow, hindi naman pala ako ma-a-out of place eh.
"Hi Dad." ang sabi ni Ian.
Ian's Dad looks great, feeling ko nga matagal ko na syang nakita
Nag beso-beso naman kami ng Daddy ni Ian...
Ok lang naman ako, komportable lang. Parang wala nga akong naramdamang hiya nung makita ko ang daddy nila.
"Ikaw pala yung sinasabing pinakamamahal ng anak ko.." nakangiti nyang sinabi yun
Napatingin naman ako kay Ian, pinakamamahal? sinabi nya yun?? bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Maganda ka pala talaga, ang akala ko talaga itong anak ko e-- " hindi naman nya naituloy pa ang sinasabi nya nung tumingin sya kay Ian.
Bakit kaya?
"By the way, ito nga pala ang mga Aunt and Uncles ni Ian..."
Pinakilala naman ako ng Daddy ni Ian sa mga kamag-anak nila..
Hindi nga ako nagkamali, mayayaman sila lahat.
Matapos nun, naupo naman ako sa isang couch. Napagod din ako pakikipagkilala sa ibang kamag-anak nila.
Si Ian naman umalis sandali para kuhanan ako ng maiinom. Sabi ko nga wag na, pero sya itong mapilit.
"Hayyy.." namiss ko rin ang mga ganitong party.
Party ng mayayaman.
Matagal na din akong hindi nakakapunta sa mga ganito. Hindi na rin kasi ako sumasama sa iba naming gatherings simula ng mag-college ako at humiwalay na sa mga itinuturing kong pamilya.
Pumkit naman ako sandali, ang tagal yata ni Ian.
Siguro may humarang at nakipag-usap pa sya..
Classic sounds lang mula sa bass, violin na tumutugtog sa labas lang naririnig ko..
hanggang sa may narinig akong tumutugtog ng piano.. Saan naman kaya galing yun?
Hinanap ko kung saan nanggagaling yung tunog ng piano.
Then I saw a slightly opened door in the hallway..
Lumapit lang ako just to check kung may tao nga dun.
Nakita ko naman ay piano lang..
Hindi ko nakita yung tao na tumutugtog dun..
Gusto ko sanang pumasok pero,
"Coleen wag kang pum---.." napalingon naman ako. Nakita ko si Ian na malapit sakin at may hawak syang baso ng inumin..
Nagulat naman ako sa kanya... Bakit kaya pinigilan nya ko?
******
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Jang Geun Suk | as Cristoffer Ian Mijares |
| Yoona | as Coleen Garcia Jimenez |