Ang tanong, paano ko makikita yung lalaking iyon e sa club lang naman kami nagkita. Napakalaking lokaloka ko naman kapag bumalik ako dun so paano na to?? Hmmmm....
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinaumagahan, at dahil Sabado, pumunta ako sa mall para bumili ng para sa requirements sa Physics experiment namin. Bumili ako ng garbage bag, nylon string, kandila at cardboard. Oha, hulaan niyo kung anong experiment namin? :D Habang nasa bookstore ako, may nakita akong tao na ikinaiinis at ikinatutuwa ko ring makita
yung lalaking hinahanap ko!
Ang tanong: Lalapitan ko ba siya o hindi?
Nagtago tago ako sa mga shelves para di niya ako mapansin. Nakita ko siya na tumitingin ng libro. Aba, parang shokla pa ata ito ah..
Tinitignan ba naman ay yung L.A. Candy Series! Aba, ganda ng taste niya a. Gusto ko rin bilhin yung series na yun pero wala akong pera. Anyway.... Pero teka, baka para sa girlfriend niya yan? Yung babaeng kamuah muah chup chup niya nung araw na------AAGGH! Ayoko na maalala! Palipat-lipat ako ng shelf, tingin dito tingin doon ng libro, mukha na nga ako nawawalang bata at aakmang lalapitan na ako ng guard. Sa totoo lang, palapit na talaga! Lumayo ako paunti-unti hanggang sa..
BLAG!
"Aray! Ano ba yan? Di ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?!" sigaw sakin nung nakabangga kong babae. Wala naman siyang dala na nalaglag at hindi rin naman ganung kalakas yung pagbangga ko sa kanya.
"Sorry ho. Di ko po sinasadya."
"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinaraanan mo!" at umalis na siya.
"Sungit naman niya." sabi ko sa sarili ko.
"Tsk tsk. Ano ba yan Desiree, naghahanap kapa ng away."
"AAHH!" pagtalikod ko andun na siya sa tabi ko. Yung lalaking halos tatlong beses ko ng nakita ay di ko pa rin alam ang pangalan niya. Ngumiti siya sakin pero yung ngiti niya parang kakaiba...
Nakangiti siya pero malungkot yung mukha niya? Ha? Tapos nun nawala yung ngiti niya at napalitan ito ng smirk.
"So, sinusundan mo pala ako." ngumiti ulit siya pero ngayon mukha na siyang nang-aasar.
"Hoy, artista ka? Feeler mo. Di moko stalker no."
"Haha. E bakit ka andito?" ayan na. Sasabihin ko ba sa kanya? Itatanong ko ba sa kanya? Hay, bahala na!
"Alam mo, kilala mo ako sa pangalan pero ikaw hindi ko alam sayo. Ano ba pangalan mo?" O di ba, straightforward masyado ang peg.
"Bakit, ano naman sayo pag nalaman mo? Type moko no?" nakangiti nanaman siyang pang-asar.
"Hindi no. Madaya ka lang dahil ako kilala mo at ikaw hindi ko kilala. Kaya nauso ang equality sa mundo. Pangalan mo lang naman tinatanong ko. Super private ba yun?" tumawa siya at pumila sa counter. Ako naman nakipila na rin para di siya makatakas. Pagkabayad niya, nakita niya ako na hinihintay pa rin siya at ngumiti lang siya sakin.
Pagkalabas namin ng bookstore, tinanong niya ako: "Gusto mo bang kumain?"
"Ayoko. Bakit ako sasama sa stranger? Sabihin mo na pangalan mo kasi." nakakainis na ah.
"Haha. Bakit ba ang kulit mo?"
"Grabe pangalan lang kasi e di ba? Sabihin mo na.."
Tumawa nanaman siya at lumapit siya sakin. Grabe, ang tangkad niya pala. Nakatingala ako at tinignan siya sa mata. Ngumiti ulit siya.
"You'll soon find out Desiree but in the meantime..."at tumingin siya sa orasan niya "I gotta go." at nagwave siya sakin habang naglalakad palayo.
"JERK!" at nagtinginan sakin yung mga tao sa mall. Nafeel kong namula ako at ngumiti nalang ako habang siya, kita kong nanginginig kakatawa.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Hwang Mi Hee | as Desiree del Antonio |
| Kang Min Hyuk | as Alexander James Dimaculangan |
| Lee Seung-Hyun | as Dariel Cruz |