I was wrong.. Hindi lang pala 3rd secret ang marereveal ngayon.

3rd and 4th secret will be revealed in this chapter.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 



Thursday, April 19, 2012. DAY 100 of 100.



DANIEL'S POV



This is it! Ito na ang 100th day. Ngayon ko na aaminin ang lahat kay Kath. 


Nandito kami ngayon sa rooftop. Dito ang setting ng engrandeng date na to. Buti nga pumayag si Kath makipagusap sakin e.

"Ano, tol. Ready?" Lester.

"More than ready." Sagot ko. 

"Ano yang hawak mo kuya?" Tanong ni JC habang nakatingin sa white envelope na hawak ko.

"Letter ko to kay Kath. Ipapabukas ko sa kanya mamayang 12 am. Pag saktong natapos ang 100 days." 

"Anong laman? Pabasa!" Kukunin na sana ni Kats tong letter pero tinago ko sa likod ko. Loko to. Mas mauuna nya pang mabasa kesa kay Kath.

"Bawal. Si Kath dapat ang unang makabasa nito!"

"Ipuproofread ko lang! Baka wrong grammar ka tol, kahiya naman."


"Walang wrong grammar sa lengwahe ng pag-ibig" Biglang sabi ni Seth.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at binigyan sya ng manly hug. "Yan ang gusto ko sayo Seth eh!" 



Nagtawanan nalang kaming lahat habang sineset up tong venue.

"Anong oras na mga tol?" Tanong ko.

"9 pm dude. Anong oras mo ba pinapunta si Kath?" Lester.

"10 pm. O tara na. Tapusin na natin ang pag-aayos nito." 



Pinagpatuloy lang namin ang pagseset up. 

Nung matapos kami, tinitigan ko ang lugar. 

Tanging mga kandila  na nakalagay sa container ang ilaw namin.Nakapalibot ang mga yun sa buong rooftop.  At syempre ilaw rin namin ang mga stars at moon sa langit.