chap 5. PROM (edited)

49 2 4
                                    

Kate’s POV

*3 days later*

Hay nakakaloka rin ung sinabi ni Dexter naplano. Pinag-iisipan ko rin kung papayag ba ako o hindi. Pero. Psh. Di talaga ako interesado.

Tuesday na nga pala ngayon. And it’s our prom day.

4pm onwards ang aming prom, at sa Leeford ito gaganapin. Maluwang naman dun kaya ayos lang.

“Kate! Andito nakooooooooooo!!”  ay nabingi naman daw ako dun.

“mommyyyyyyy!!” sabay yakap sakanya.

“kamusta na ang baby ko at naku dalaga na pala siya ah.” Tapos hinalik-halikan ako.

“baby na dalaga mi? haha ayos lang naman po, buhay parin.”

“yeah alam ko masamang damo ka naman eh hahaha”

“nagmana lang sayo mi.”

Ah nga pala fashion designer ang aking mom. Galing pa siyangFrancedun kasi ang main company niya.

Ang dress ko ginawa niya personally, magtatampo yun kapag di daw siya ang gumawa kasi sayang naman at naging designer siya kung ang sarili niyang anak di niya magawaan. At pag may special occasion talagang uuwi yan dito sa Pilipinas, kung may meeting man icacancel niya. Feel niya nga sa kapitbahay lang yung company niya kung makapunta dito eh.

So ang ginawa niyang dress ay simpleng blue na.. urgh  I’m not fond of describing an object kasi eh. Basta blue na, yun na yun.

*3 hours later*

Tapos na si mommy sa mga etchapwera niya so ready to go na ako. Si Mic kanina pa siya andito mga 30 minutes na, e yung si mommy kasi andaming tanong.

“Sino naman yang gwapong nilalang na yun ha anak?. “

“si Mic po”

“Bakit hindi si Ken ang partner mo diba siya last year?”

“Ma hindi po stable ang partners dyan sa prom.” Totoo naman diba? Single naman ako kaya kahit sino pwede wala namang magagalit.

“Baka naman… boyfriend mo yan ano?”

“MA!!”

“OK! Kahit di mo na sagutin alam ko na ang sagot.” Ngumiti pa siya ng nakakaloko

“Ma kung iniisip mo OO ang sagot. Pwes hindi!”

“sus makadeny ka nama--”

“ma hindi nga!” hay tong nanay ko talaga ang kulit ng lahi.

“oh siya bumaba ka na at hinihintay ka na ng boypren mo.”

Bumaba na ako di ko na lang pinansin yung sinabi ni mama baka di pa ako makapunta sa prom. Excited pa man din akong Makita si bespren sigurado akong gwapo siya ngayon. Hmm lagi pala fwahaha.

“oh hijo. Mag-iingat ka kay Kate ha.”

Tumawa naman yung ulul.

“naku po tita sanay na po ako diyan, may shield na rin ako”

“mabuti naman o sige humayo na kayo’t mag-enjoy”

“sige po bye po tita.”

“bye ma” hinalik-halikan ulit ako ni mom.

Pumasok na kaming kotse ni Michael. May driver siya. Di tulad ni Ken na pwede ng magdrive ng sarili niya. Kilala naman kasi yung dad niya. For what’s power nga naman.

Tahimik lang kaming pareho ni Mic

Isa pang kinaeexcite ko about prom is yung ‘wheel of fate’ na usap-usapan ng mga seniors. Ipaparing nila yung bell or I should say yung Gong then kung sino ang partner mo that time siya raw ang destined sayo talaga. Wala siyang exact time. Basta yung boys magyaya lang magsayaw. At kung nakaupo ka lang pag pinatunog na yung Gong. Bye bye lovelife ka na raw, KUNG, yun ay kung ang crush/love mo ay nasa school lang. Weird diba? Pero sabi ng teachers and former senior students, 100% proven and tested daw yun. Weesanasi Ken, kelangan ko siyang isayaw magdamag!! Si Ken lang si Ke—

Stupid GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon