Author's Note:
Nag fan ka ba sa akin para lang mabasa to? Well, ang masasabi ko lang sayo, masunurin kang bata. AT ikaw ay.... na Wow Mali! hahahah!
Pero kasi hindi mo na kailangang gawin yun, kasi hindi naman ito nakaprivate at hindi naman ito nakarestrict. Joke lang yung Author's note sa previous page. Kabaliwan ko lang yun. Hahahaha.
At Lalong lalong hindi ito BS. AY BS pala ito. Ibang klaseng BS nga lang. I totally skip yung detailed BS nila. Wala ako sa mood i detalye yun.
And I will no longer restrict any subsequent BS of Tamadao and Yanyan.Be it innocent, wild, erotic or passionate.
Ibig sabihin ba may iba pang BS na mangyayari? OO naman, yes!
And the next BS will be on Tamadao POV.
Tatlumpu’t Tatlo
Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. Actually kanina pa ako gising. Kanina ko pa tinitingnan ang dalawang butiki na naglalandian. Kaasar! Kailangan ba pag naglandian sila sa harapan ko? Bwisit!
Kinuha ko ang pinakamaliit na pillow sa tabi ko at ibinato sa kisame. Hindi ko natamaan ang dalawang malalanding butiki pero naghiwalay naman sila. Buti nga sa kanila! Hmp!
Pero sana, kagabi, may nagbato din sa amin ng pillow o kaya bato para tumigil kami, para matauhan kami. Sana hindi nangyari ang dapat nangyari. I looked at the blanket covering my naked body at sa mukhang nakasubsob sa leeg ko.
I groaned.
Bakit ba kasi pagdating kay Tamadao, hindi ko mapigilan ang sarili ko? Bakit nawawala bigla ang lahat ng self control ko?
Tumingin ulit ako sa ceiling ng ilang seconds. Tapos bigla kong sinabunutan ang sarili ko. Gusto ko ding sumigaw pero hindi ko magawa kasi nga may katabi ako sa kama. Baka kung ano ang magising.
Oo, pinagsisihan ko ang mga nangyari kagabi. Take note ‘ang mga nangyari’. Kahi na gaano pa ka amazing yung nangyari kagabi, hindi dapat nangyari yun.
Nagsisisi ako kung bakit pa ako bumalik dito sa Pilipinas, nagsisisi ako na pumayag akong maging ‘kaibigan’ siya, nagsisisi ako kung bakit ako sumamang magmall sa kanya, nagsisisi ako na nilalandi ko siya, nagsisisi ako na nagpunta kami sa bar, nagsisisi ako na uminom ako, nagsisisi ako na ang takaw ko sa alak, nagsisisi ako na nagpahalik ako at hinalikan ko sin siya, nagsisisi ako na kinikilig ako sa mga pinaggagawa niya at NAGSISISI AKO NA MINAHAL KO ULIT SIYA. At mas nagsisisi ako na binalewala ko ang mga signs na nahuhulog ako ulit sa kanya.
Paksyet!
Hindi ko naman pinagbabawalan ang sarili ko na magmahal. In fact, pwede na nga akong magboyfriend pero wag naman kay Tamadao. Alam ko naman kung ano ang pwede niyang gawin sa akin. I know very well that he have the capacity to destroy my spirit. Oo nakayanan ko nung una, pero ang tanong, makakaya ko pa kaya ngayon?
Baka pag nangyari ulit yun, hindi lang luha ang iiyak ko, baka pati dugo or worse baka mabaliw na ako. Ayaw ko na ulit maranasan yun.
Hayssss..sana Yanyan naisipan mo yan bago ka nag offer ng friendship.
Eh kaso nga, bakit naman hindi kami pwedeng maging friend eh hindi naman talaga ako bitter sa kanya. Wala naman na akong hinanakit sa kanya.
Yun nga, hindi ka bitter at wala kang hinanakit kaya nainlove ka ulit sa kanya.
Ahhhhhh! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko! Kita niyo na? Ngayon pa lang nababaliw na ako! Huhuhuhu.
I groaned out load. Nakalimutan ko ata na may katabi ako.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists