For @i_own_hee sorry po, ah. nabasa ko kasi comment mo dun kay Choi Shi Won. :)
Actually po, hindi sya si Kim Hee Chul. Si JUNG HEE CHUL po ng ZE:A yung andito. SORRY ^__^v
sorry kung minadali ko din tong kay Hee. may hinahabol kasi ako... :)
THANK YOU PO!
~♥HJH
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
06: Jung Hee Chul
“Anyeong haseyo!”
Nag-angat ng ulo si Hee Chul at nakita na ang nakangising si Sung Min ang bumati sa kanya.
“Yo, Hee!” Nakangiting umupo ito sa harap ng lamesa nya.
“Problema mo?” Tanong niya dito nang nakakunot ang noo.
“Sungit ne’to. Nakikiuso ka kina Jae at maknae?” Nakangisi pa din ito na ang tinutukoy ang mga kaibigang sina Jae Joong at Dong Ho na bunso.
Tinapunan niya ito ng isang rolyo ng tissue.
“Ano bang meron, Min? Bakit ka nandito sa mapalasyo kong opisina?”
Tinawanan naman sya ng kaibigan. “Yayayain sana kita sa Dasma.” Sagot nito.
Agad na tumayo sya at kinuha ang coat nya at isinuot iyon. “Tara na.”
“Wow! Bilis mo, ha! Gustung-gusto mong makita si Rose, ‘no?! O, si Hazel?!” Natatawang sabi pa ni Minnie.
Napakadaldal talaga nito kahit kailan.
Pagkababa nila nang building nya ay agad na kinuha ang mga sasakyan. Convoy na lang sila papuntang Dasma.
Malamang na ang bestfriend nitong si Denise ang pupuntahan nito sa Dasma. Wala naman kasi doon ang amore nitong pinsan ni Den.
Maya-maya lang ay narating nila ang La Salle Dasma.
Napakalayo kaya naman dumaan sila kanina sa isang convenient store para makabili ng pagkain na dadalhin sa walong babaeng naroon.
Kumatok na si Minnie sa pinto.
“Wait laaaaaang!”
Nagkatinginan sila ni Minnie sa malakas na sigaw ng babae.
Si Rose iyon.
Agad na bumukas ang pinto at tumambad sa kanila ang magandang mukha ng bestfriend nya.
“Hi, Rosie!” Bati nya dito.
“H-hee!? Minnie! Ba’t kayo nandito?!” Gulat na tanong nito.
“Naman, Rose! Parang ayaw mo naman kaming makita, ah!” May patampong sabi ni Minnie.
“Uh.. Hindi naman.. Nagulat lang ako. Pasok kayo.” Niluwangan nito ang pinto at pinapasok sila. Agad na umupo sila sa couch sa sala ng apartment-dorm ng mga ito.
Kumportable naman kasi sila doon dahil sa mga kaibigang babae.
Maya-maya ay dumating ang bestfriend ni Sung Min kasama sina Kate at Heaven.
“Minnieeeee!!!!” Mukhang gulat na gulat ito at napayakap sa kaibigan nya.
“O, easy, Dens!” Natatawang sabi naman ni Minnie.
Napatingin ito sa kanya. “Hee Chul.”
Tumingin pa it okay Rose saka tumingin ulit sa kanya. Sinamaan sya nito ng tingin at hinila na si Sung Min sa kwarto nito. Pati sina Heaven at Kate ay tumingin muna ng masama sa kanya bago umalis ang mga ito.
Saka sya bumaling kay Rose. “Rosie, may galit ba sakin si Den? Tsaka sina Kate at Heaven” Tanong nya sa bestfriend nya.
“H-ha? Wa-wala…” Nagtaka naman sya sa pag-iwas nito ng tingin sa kanya.
Bakit wala syang alam sa kaibigan nya? At bakit parang galit ang mga kaibigan ng bestfriend nya sa kanya????
Maya-maya ay nakita niya si Hazel na naglalakad papunta sa kwarto nito.
“HAZEEEL!” Agad na iniwan niya si Rose at nilapitan si Hazel.
“Hee? Anong ginagawa mo dito??” Nakakunot noong tanong nito sa kanya.
“Pinuntahan kita!” Masiglang wika naman nya.
Napatingin si Hazel kay Rose, kaya pati sya ay tumingin sa kaibigan. Pero nakayuko na ito at lumabas ng apartment-dorm.
“San pupunta si Rosie?” Tanong nya sa babaeng gusto nya.
Ewan ba nya kung bakit gustung-gusto nya ito kahit sinabi nito sa kanya na si Min Hyuk ang gusto nito.
“Hindi ko alam. Sundan mo kung gusto mong malaman!” Mataray na wika sa kanya ni Hazel saka ito pumasok sa kwarto nito. Habang masama naman ang tingin sa kanya nina Kelsey at Krystel na galing sa kusina.
Lumabas na sya ng apartment-dorm at hinanap si Rose.
Nakita nya itong umiiyak.
“Den? *Huk* O-okay lang ako… So-sorry, ha… Sorry hi-hindi… *Huk* Kayo makaalis *huk* dahil sakin… *huk*”
“Sa-salamat,
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Jung Hee Chul | as Hee Chul |