Chapter 29

16.8K 163 9
                                    

Pumasok ako sa kwarto ni El at naabutan siyang umiiyak. 

"Ellaine.", tawag ko. Umupo siya agad at mugto ang mata. Ngumiti ka na. "Pangit mo.", sabi ko .

"I'm so sorry.", sabi niya. Lumapit ako sakanya at niyakap siya."I'm so sorry.", sabi niya habang umiiyak. 

"Okay na.", sabi ko. "Break na daw kayo?"

"Oo, nakipag-break ako, ayokong magalit ka sa akin."

"Tange, kailan mo ba sinacrifice ang gusto mo para sa akin ha?" Naalala ko, mas spoiled brat pa si El kaysa sa akin. Aakalain ng iba na ako ang ampon. Nakukuha niya ang gusto niya lagi kasi malambing siya kay Dad. But never did I hated her, I enjoyed Dad's laughter and smiles. 

"I'm so sorry.", sabi niya. 

"Gaga, sige na, go lang." 

"Ha?"

"Pero, hindi pa rin ako 100% nagtitiwala sakanya. If you really like him and he really likes you, he needs to muster up the courage to talk to Dad." 

"Yeah, I think so too."

"Bumangon ka na diyan at maligo, magsh-shopping tayo!", tumayo siya agad at dumeretsong CR para maligo. Sa wakas, okay na kami ni El. Malaki ring tinik ang nabunot sa puso ko.

Matagal tagal kong hindi makikita si Joshua. Maayos ang paghihiwalay namin at nirerespeto ko ang buo ang desisyon niyang hanapin kung saan siya mama-mature. 

Siyempre, kailangan kong ituloy ang buhay ko. 

"El, may nag-email sa atin, may humihingi ng tulong, may Cancer daw anak niya."

"Okay sige, ako na ang makikipag usap sakanya regarding the details. They might like to arrange a for a cause concert."

"Yeah, please do offer them that." Mukhang magiging busy ako sa sembreak. Si El ang nakipag usap sa pamilya pero magm-meeting kami uli bago simulan ang pagbenta ng tickets. 

"Cass, dito!", tinawag ako ni El nang late akong nakapunta sa restaurant kung saan ang meeting. Nagulat ako nang nakita ko kung sino ang tatay nung bata. Siya 'yung lalakeng may mahabang buhok na nambugbog kay Josh. 

"Ikaw?", tanong niya na gulat na gulat. 

"Magkakilala kayo?" 

"Nakilala ko siya somewhere. Anyway, let's start?" Sinubukan kong alisin sa utak ko na siya 'yung nambugbog sa amin at siya 'yung nambastos sa akin, alang-alang sa anak niya. Hindi siya nagsasalita at ang nanay ang kumakausap sa amin. Nararamdaman ko ang hiya niya. 

Natapos ang meeting. 

"Darling, mauna ka na sa sasakyan, may sasabihin lang ako sakanila.", sabi nung lalake, si Mr. Sanchez sa asawa niya. Pinauna ko din si Cassie muna sa sasakyan. 

"Anong nangyari sainyo bakit nandito ka?", sabi ko na may halong inis.

"Binawi ni Mr. Arsenas 'yung charges.", sabi niya na naiiyak. "Pasensya ka na, sana mapatawad mo ako doon sa nagawa ko. Nagalit lang ako dahil sa nangyari, nawalan ako ng trabahong malaki ang kita. Pasensya ka na talaga. Nagsisisi na ako. Sana hindi niyo bawiin ang pagtulong sa amin."

"Hindi sir."

"Huwag niyo nalang pong banggitin sa asawa ko na kayo 'yung nabugbog ko."

"Oo sir huwag kang mag-alala.", sabi niya at umiiyak. Na-realize ko, lahat ng tao, sa tingin man natin masama o hindi, may kanya-kanyang storya. May kanya-kayangang rason kung bakit ginagawa ang mga bagay bagay. 

Hindi tama ang ginawa niya pero may rason siya. Naghiwalay na kami. Inasikaso na namin ni El ang printing ng tickets at publication materials. 

Pang-apat na naming Concert for a Cause kaya may mga sponsors na kami at mga suppliers. Naka-set ang concert day sa 2nd week ng Second Sem dahil sa mga kailangang asikasuhin. 

"Oh ready na lahat?", tanong ko habang inaayos na nila ang sound system ng closed gym. Soon, sana sa isang concert hall na talaga kami makapag concert. 

Everything went so smoothly and we earned 120,000 gross, na lahat mapupunta sa pamilya ng beneficiary. 

"Ma'am, salamat po talaga, salamat.", sabi ni Mr. Sanchez. 

"Sir, may trabaho ka na po ba?"

"Meron po, sa construction, pero contractual lang po."

"May opening po sa kumpanya ng Papa ko, janitor.", sabi ko. Nagliwanag ang mukha niya. "Gusto niyo po bang mag-apply?"

"Oo ma'am! Opo!", sabi niya. Binigyan ko siya ng number ng HR Representative para kausapin kung kelan siya magaapply. 

"Galingan niyo sir", sabi ko. Naiiyak ulit na nagpasalamat si Mr. Sanchez sa akin. 

Naiwan kami para magpack-up, umupo ako sa dulo ng stage at pinagmasdan ang bakanteng gym. Parang walang nangyari kanina. 

"Oh? Bakit ka ba nage-emote diyan? Miss mo na siya noh?", tanong ni El.

"Bakit hindi niya ako tinetext? Tsaka may FB naman ah."

"Baka busy 'yun. Tara na nga! Umuwi na tayo!", sabi ko. 

Tumayo ako nang biglang tumunog ang phone ko, may nagtext. 

"Congratulations for a successful concert, you made others happy again. See you soon. Miss you.", text ni Josh. Napangiti ako. 

"Sabi na eh!", sigaw ni El. Sinagot ko siya ng heart emoticon. 

"Tara na!", sabi ko kay El na malaki ang ngiti. 


When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon