CHAPTER SEVENTEEN

18.1K 239 50
                                    

[KATHY'S POV]

Nagsusulat ako sa diary ko habang hinihintay ko si Sthep sa lobby. Wala pa rin si Erick kaya mag-isa lang ako.


'The saddest part in life is saying goodbye to someone you wish to spend your lifetime with.

Maybe one day, I'll be what he needs. But I will not wait too long. Because maybe the day he wants me, would be the day I've finally given up.'


"So, you're alone."

Nagulat ako nang marinig ko ang boses na yon. It's been a while since the last time I've heard how calm his voice is. Hindi agad ako nakapagsalita.

"And you're writing about moving on from someone now huh." He added.

Agad ko namang itinago ang diary ko sa bag ko.

"It's none of your business." Sabi ko sa kanya.

"Don't worry I just want to know if you're okay. And I guess you are."

A part of me wanted him to stay even for just a minute or two. I wanted to talk to him. Pero hindi ko masabi at hindi ko magawa yon.

"I-I'm fine."

"I can see that. Well I guess magaling ang nag-aalaga sa'yo. Mabilis kang naka-recover." Hindi ako nagsalita. "Sige, aalis na ako."

"Damon ..." Mahina kong tawag sa pangalan niya. "Salamat. Alam ko at ramdam ko na ikaw yung nagligtas sakin. Ikaw lang naman ang may kakayahang gumawa non."

"I know I'm a devil but I've never lied to you. Hindi ako yung taong nagligtas sa'yo."

Pero hindi pa rin ako naniniwala sa kanya. I may be just a human but I'm not stupid.

"Sinungaling ..." Halos pabulong kong sabi sa kanya.

Tumawa naman siya sa sinabi ko. "Okay, tutal pinagpipilitan mo rin namang ako ang nagligtas sa'yo ... then you owe me a favor."

"Ha? Ano namang favor yan?"

"Please come with me. Kahit ngayong araw lang." Pakiusap niya.

Sunud-sunod ang kabog ng dibdib ko. This guy is my weakness. How could I say no to him? Isa siyang demonyo at alam ko kung ano ang kaya niyang gawin sakin sa oras na sumama ako sa kanya. Pero bakit parang sinasabi ng puso ko na magtiwala lang ako at walang mangyayari sakin na masama?

"M-may pasok ako."

"Yan ba ang sasabihin mo sa taong nagligtas sa'yo?" Bahagya siyang tumawa. "Well, since I'm a devil ... sasama ka sakin, sa ayaw at sa gusto mo."

Pagkasabi niya noon ay bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko.

"D-damon ..."

"Sorry, but I can't accept another rejection from you anymore."

Dahan-dahan niya akong iniangat mula sa kinauupuan ko. Hindi niya ako hinila o pinilit na lumakad. Kusang humakbang ang mga paa ko papunta sa kotse niya.

Nang nasa loob na kami ng sasakyan, hindi ko naiwasang hindi makaramdam ng pag-aalala at takot. "S-saan ba tayo pupunta?"

"Sa tahimik."

"W-what do you mean?"

"Sa sementeryo."




At hindi nga siya nagbibiro. Ang demonyo – dinala ako sa sementeryo. Habang naglalakad kami papasok sa isang napakagandang mausoleum ay hawak-hawak pa rin niya ang mga kamay ko. Napakaganda sa loob nito. May living room, dining room at kitchen. Hindi lang yon, mayroon pa itong aircon. Kumpleto!

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon