Previous Page of 3Next Page

Forlorn Madness 1 (Editing)

spinner.gif

Opus 20

 

Shall's POV:

 

"HAHAH.. Laseng lang ako.. Dyuk lang yong senabe ko ha Shall!"

 

Siraulo din tong Coffee na to. Akala ko naman seryoso siya. Tas biglang babawiin.

 

Inoobserbahan ko siya. Anxious pa rin siya gaya kanina nung bigla siyang umalis.

 

Hindi ko binabalewala ang sinabi niyang sa tingin niya ay si Kamatayan si tukmol.

 

May nakita ba siyang kakaiba mula kay tukmol? Itatanong ko ba.. o wag na?

 

WAG NA! Baka maungkat pa ang pagiging bampira namin.

 

"—Wag ka masyadong maglalasing ha? Di ka namin bubuhatin pauwi sige ka." sabi ko kay Coffee. Ngumiti lang siya.

 

Hindi ako sanay na nakikita siyang balisa. Magagawan siguro to ni Noir ng paraan.

 

Nang matapos ang number ng Capella, DJ naman ang nagpasikat. Nagpatugtog iyon ng mga mix na malalakas ang beat. Nagtayuan ang mga nakaupo at humataw sa pagsayaw.

 

Tinalon kaagad ni tukmol ang stage at lumapit samin pagkatapos niyang makipagkamayan sa mga taga Capella.

 

Bagay sa kanya ang pinagpapawisan, maganda ang effect sa dim light.. Mas gumagwapo siya.

 

Di ko nga napigilan ang sarili ko; naglandas ang mga daliri ko sa mga labi niya.

 

Basa ang kanyang labi kaya dumulas pababa sa kanyang baba ang aking daliri.

 

Napakagat-labi ako—

 

"—Ehem.." tinapik-tapik kami ni Coffe sa balikat. "Dun mona ako mga bay. Hanap cheks."

 

Oh sige umalis ka na! Magpapaalam ka pa! Panira ka ng moment!

 

 

"—Gusto mong sumayaw?" anyaya ni tukmol sakin pagkaalis ni Coffee.

 

Duh?! Ayokong sumayaw! Gusto kong—

 

 

"Umuwi na lang tayo." pakli kong sagot sakanya.

 

Naglakad kami pauwi.. Hawak na naman niya ang kamay ko.

 

Kung palaisipan para sa kanya kung ano ang feelings ko, palaisipan din para sakin ang feelings niya.

 

Gusto ba niya ako o mahal niya ako.. Mahirap mag-assume. Sigurado naman akong ganito rin siya sa ibang babae.

 

 

Pinagtatyagaan lang yata namin ang isa't isa dahil NO CHOICE. Stucked kame kasi siya ay prinsipe at ako yung knight.

 

Knight lang ako.. Pero kapag kasama ko siya, parang gusto kong tawirin ang borderline.

 

Ah pano ko ba ipapaliwanag.. Para siyang droga.

 

Alam kong masama siya saking kalusugan. Pero nung natikman ko na, nawala na sa isip ko yang sama sama na yan.

 

Isa siyang bisyo na nagsisimula ko nang kaadikan.

 

Hinahanap-hanap ko ang halik at haplos niya.

 

Pinadama niya sakin na hindi ako knight at hindi siya prinsipe; kundi na ako ay babae at siya ay lalake.

 

 

Ibang-iba sa pinagdaanan ko sa piling ng mga lalake noong nasa kasagsagan ako ng pagtetraining.

 

Namulsa ako. Nadampian ng daliri ko ang pilak na krusipiho.

 

Aah!

 

 

Madali kong iwinagwag ang kamay ko dahil nag-usok yun.

 

 

"Huy, ano nangyari sayo?!" naalarmang bigla si tukmol nang makita niyang nagsugat-sugat ang kamay ko.

 

"Wala ito. Ayos lang ako." paniniguro ko. Ilang segundo nga lang at naglaho na ang usok at gumaling ang mga sugat ko.

 

Tama, ayos lang ako. Tanga lang naman siguro ang mamamatay sa sarili nilang sandata.

 

Kung tututsin, maaari akong gumamit ng kahit na anong uri ng bakal upang maging sandata; hindi ko lang maitapon ang krusipihong pilak.

 

Ang hapdi at sakit na dulot nun ang tanging alaala ko ng mga kahinaan ko..

 

Dahil babae ako.

 

 

****

 

Hio's POV:

 

Nakauwi kami sa apartment NANG HINDI NAG-UUSAP.

 

Ewan ko. Bigla na lang nagbago ang mood ni manika. Dire-diretso siya sa kwarto niya.

 

Wala kahit goodnight.

 

 

Pareho sila ni Kape na mukhang may pinagdadaanang kung ano at ayaw i-share.

 

 

Tang inang Kape yun eh. Di na nga ako pinansin, bumira pa ng layas kanina sa bar. Makikita niya!

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (23)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended