Ang chapter na ito ay rated SPG. Striktong Patnubay at Gabay ang kailangan. Maaring may maseselang Tema, Lenguahe, Karahasan, Sekswal, Horror o Droga na di angkop sa mga bata.

 

 

Hulaan niyo na lang kung ano sa TLKSHD ang nasa loob ng Chapter na ito. Hahaha. De JOKE LANG! Hyper lang kasi nakakain ng spaghetti eh, pero seryoso. Matino ‘tong chap na ‘to. Hahaha.

Sa mga nagrequest po ng dedication sa akin or yung mga napangakuan ko ng dedication, paki message, as in inbox po, na lang po ako. Nakalimutan ko na po kasi yung iba eh. Sorry!

Anyways, natuwa naman ako sa mga comments niyo last chapter, RAPE agad agad? Hahaha! kahit di ko po narereply-an yun, nababasa ko at binabasa ko. At kinikilig pa din ako sa mga comments niyo.

Rape? Let’s see. ;)

 

 

Chapter 30:

 

KATH’s POV:

 

 

“Kristoff? Anong ginagawa mo dito?” I looked at him and he look wasted! Para siyang nakainom na ewan.

“Hey Kath.” Sabay ngiti niya sa akin. He’s creepy, seriously. Lumapit siya sa akin at ako naman, umaatras. Hanggang sa nacorner na ako.

“Umiiwas ka ba sa akin, kath? Tinetext kita, hindi ka nagrereply. Tumatawag ako pero laging ung machine lang yung sumasagot.”

 

 

“Hindi naman sa ganun. Busy lang kasi talaga ako.”

 

 

“Busy? 2 weeks kang busy?” Sabay hawak ng mahigpit sa braso ko.

 

 

“Aray Kristoff. Nasasaktan ako.”

 

 

“Nasasaktan ka? Wala akong pakealam. Kath, nung nakita pa lang kita sa boracay, 4 years ago. Nagustuhan na kita. Dapat nga ililigtas kita dun sa mga lalaking muntikan ka ng rape-in. Kaso umeksena na naman yang boyfriend mo! Ngayon, nakita ulit kita. At kasama mo pa rin yang boyfriend mo. Ay! Oo nga pala, hindi mo siya boyfriend. Kasi diba nagpapanggap lang kayo?”

Nagulat ako, paano niya nalaman yun?

“Nagulat ka? Alam ko Kath. Lagi kitang sinusundan, kaya alam kong hindi mo siya boyfriend. Ngayon, wala siya dito. Paano ka na ha kath?” Tas lalong humigpit yung hawak niya sa braso ko.