Chapter Sixty Two- Shifts

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ayyy!”

Nagulat ako dahil biglang may yumakap mula sa likuran ko. Sobrang dilim kasi kaya halos malaglag yung puso ko dahil sa gulat, at pati na rin sa kilig.

“Nilock mo na naman yung pinto?” yun na lang yung nagawa kong sabihin

“Mmm…” pagsagot niya habang hinihigpitan ang pagkayakap na parang inaamoy ako na ewan.

“Nandiyan ka na pala, akala ko nasa kama ka lang. Hindi ka ba natatakot na mahuli ni mama dito sa loob ng kwarto?” sabi ko sa kanya habang medyo tinutulak siya palayo. Nakikiliti kasi ako tska naconscious ako sa amoy ko.

“Bakit naman ako matatakot?”

Bakit naman daw? Loko talaga to. If I know, natakot naman talaga siya… Siguro…

“Anong bakit naman? Kunwari ka pa. Muntik-muntikan ng buksan ni mama yung ilaw. Tapos nandiyan ka lang pala sa paligid at na-lock mo lang agad yung pinto. Di ka man lang nagtago sa CR? Nakuuu kung nakita lang tayo dito, baka isako na ako nun at itatapon na ako sa ilog. Kung anu-ano na iisipin nun! Baka isipin nun may nang---”

“Papanagutan naman kita eh.”

ANOOO DAW????

“EHHHHHHH!?!?! Anong sinasabi mo diyang pananagutan?! Baliw ka ba?!”

“Haha..” mahina niyang tawa na parang sinasabing nagbibiro lang siya, sabay buhat sa akin.

“Ayy…” sabi ko dahil kakaiba pa rin yung pakiramdam na gumagalaw kami sa dilim. Ni hindi ko nga alam kung paano siya nakapunta sa may pintuan ng ganun kabilis, pagkalabas na pagkalabas pa lang talaga ni mama. Di ko rin alam kung paano niya nalaman kung saan ako nakatayo at nayakap nya ako kaagad.

May nightblindness ba ako o may superpower lang tong Silver na to kaya ganito siya at parang nakakakita yata sa pitch black darkness? 

“Does it hurt?” patungkol niya sa paa ko.

“H-hindi…” hindi na naman kasi talaga masakit lalo na, buhat niya ako. 

“Sigurado ka ah.” At nagsimula na siyang maglakad papunta sa kama ko.

Hindi ko alam kung nasa bingit na ba ako ng kama nung hiniga niya ako. Maliit lang naman kasi yung kama ko eh. Hindi naman ito yung katulad nung parang queen size bed ni Silver. Kaya kinapa-kapa ko muna kung mahuhulog na ba ako o nasaan na ba ako banda.

“Likot naman…” sabi ni Silver dahil malikot nga ako. Di ko kasi alam kung mahuhulog na ako kaya galaw ng galaw yung kamay ko.

“Ehhh! Tinitignan ko lang naman kung nasaang parte na ba ako ng kama! Mamaya mahulog na ako dito sige ka ba—”

“Oo na oo na…” Naputol yung pagsasalita ko kasi niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

Ang tagal namin sa ganung posisyon na parang gusto ko ng tumira sa kili-kili niya ahahaha. Hindi, pero mas lalo akong naadik. Parang heightened pa lalo yung senses ko ngayong patay ang ilaw at wala akong makita.

“Pasensya ka na maliit yung kama ko ah. Masikip tayo.”

"I actually like it that way." 

“Seryoso! Baka mangalay ka dahil hindi ka makakagalaw di katulad dun sa malaking kama mo. Baka bukas masakit na mga kasukasuan mo.”

“Walang karapatang magreklamo ang nakikitulog lang. Intindihin mo yung paa mo. Wag ka ng magalala.” Sagot niya tska hinalikan niya ako sa noo na nagbigay na naman sa akin ng 1000 voltz.

“Um, eh... Pano na bukas? Paano ka lalabas?” tanong ko ulit sa kanya maya-maya.

"That's my problem... Matulog ka na matabang pisngi." 

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon