BS 034

139K 1.2K 85

GAB'S POV:





"Bakit kasi kailangang puntahan natin sina mama ngayon? Pwede next time na lang?"






Papunta na kasi kami ngayon sa bahay nina mama, matagal na kasi akong hindi nakakapunta doon simula nung humiwalay ako sa kanila o simula nung nagkaproblema kami. Ayaw kasi nila na lumayo ako o kahit yung course na pinili ko ayaw din nila. Hindi daw kasi pambabae yun. Baka daw manlalake lang daw ako kaya engineering kinuha ko. Kaya naging sobrang layo ng loob ko sa kanila, kasi bakit sa iba kong kapatid full support naman sila. 

Hinawakan nya lang ang kamay ko, yung isang kamay sa manibela yung isa sa kamay ko. Anong balak nya pati kamay ko kasama pag KUMAMBIYO sya? 

"alam mo VINCE.. minahal kita ng buong IKAW.. kasama doon kung saan ka nagmula.. kung may problema man kayo ng Family mo.. sana matulungan ko kayo kasi mas masaya na pag mag asawa na tayo wala ng magiging problema sa kanila"








"pero sobrang tagal na din.. hindi ko alam kung matutuwa ba sila na makita ako.. tas may kasama pa akong lalaki"








"HAHAHA Ok lang yun..gwapo naman ang magiging manugang nila"





"adik.. pero pwede wag muna natin sabihin na engaged na tayo? baka kasi mabigla sila.. please?"